SALUDUHAN SI BOC ASSISTANT COMMISSIONER ATTY. JET MARONILLA!

HAGUPIT NI BATUIGAS

Determinado ang pamunuan ng Bureau of Customs sa pamumuno ni Commissioner Leonardo Rey “Jagger” Guerrero na lansagin ang lahat ng uri ng katiwalian at smuggling activities sa ahensyang kanyang pinamumunuan.

Nitong nakaraang ilang araw lamang ay nakasamsam ang Enforcement Security Service (ESS)  ng master cases na umaabot sa 1,339 na naglalaman ng mga pekeng sigarilyo at stamp na nakatago sa isang bodega sa Barangay Prenza Uno, Marilao, Bulacan na nagkakahalaga ng P160 milyon na pawang branded cigarettes tulad ng Belmont, Camel Cigarettes, Double Happiness, Fortune, Hope, Marlboro, Modern at Mighty.

Samantala, iniimbestigahan na ngayon ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ang isang security guard na nagngangalang Renly Tiñana, na natuklasan na may mga bank deposit na aabot sa P1.9 milyon gayung ang sahod na tinatanggap nito kada buwan ay P14,000 lamang.

Si Tiñana ay nakatalaga sa Port of Manila bilang spot checker para mag-inspek­syon sa mga kargamento na pumapasok at inilalabas sa nasabing pantalan.

Sa panayam ng inyong lingkod sa  programa ko sa social media, Latigo Ni Batuigas sa Latigo News TV kay Assistant Commissioner Atty. Jet Maronilla, ipinahayag nito na hindi sila nagbibiro sa mga tauhan ng Bureau of Customs dahil ipagpapatuloy nila ang paglilinis sa ahensya at sinampahan na ng kaso ang security guard na si Renly Tiñana at nahaharap ito sa napakaraming kaso lalo na kapag napatunayan ay tiyak makukulong ito at matatanggal sa kanyang trabaho at walang matatanggap na benepisyo.

Sinabi ni Atty. Maronilla na hiniling na rin nila ang tulong ng Anti Money Laundering Council (AMLC) para isailalim sa lifestyle check si Tiñana.

Kay Assistant Commissioner Atty. Jet Maronilla, sir maraming salamat sa inyong pagpapaunlak na kayo ay aming makapanayam.

Binabati ko ang mga bagong talagang district collector na sina Atty. Jay Francia na itinalaga bilang bagong port collector ng MICP, kapalit ni Atty. Erastus Dino B. Austria na inilipat naman sa Port of Davao, samantalang si Atty. Valdez ay itinalaga sa Port of Batangas, (PoB) na kapalit naman ni Atty. Edward Ebirra bilang Deputy District Collector  for Assessment sa nasabing pantalan. (Hagupit ni Batuigas / MARIO B.  BATUIGAS)

138

Related posts

Leave a Comment