SAP FUND SA CALOOCAN IBIBIGAY NA

0

BIGLANG nag-anunsyo sa kanyang social media account si Caloocan City Oscar “Oca” Malapitan na mayroong Social Amelioration Program (SAP) pay-out sa lungsod.

Hulyo 16 nang ilabas ng ­alkalde na may manual pay-out mula sa lumabas na listahan ng mga pangalan na ­makatatanggap ng SAP second-month at waitlisted beneficiaries ng lungsod.

Ayon pa kay Malapitan, ang listahan ay ibinaba sa kanila ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ito ay mula sa mga nakaraang pay-out na unsuccessful at unclaimed ng GCash at Starpay.

Nakapaloob pa sa anunsyo ni Malapitan na ‘wag muna pumunta sa ­nabanggit na schedule ang mga residenteng wala sa listahan upang maiwasan ang pagdami ng tao sa venue para makaiwas na rin sa ­posibleng hawaan ng COVID-19.

Sa halip, antayin na lang nila ang susunod na anunsyo.

Ang biglang pag-anunsyo ni Malapitan sa SAP ay ­nagbigay ng kuro-kuro sa mga tao na resulta ito ng ­exposé ni Senador Emmanuel Pacquiao na may ­korapsyon sa SAP fund mula sa DSWD.

Matatandaang bago lumipad si Pacquiao patungo sa Amerika dahil sa laban niya kay Errol Spence Jr. ay bumanat siya laban sa ­administrasyong Duterte na tatlong beses na mas korap ito sa administrasyong Aquino.

Isa sa tinukoy ni Pacquiao ay ang distribusyon ng DSWD sa SAP fund.

Sinabi ni Pacquiao na P10.4 bilyon ang nawawalang pondo mula sa SAP.

Nasa 1.3 milyong benepisyaryo pa ang hindi ­nakatatanggap ng kanilang ayuda.

Iginiit ng boksingerong senador na may ebidensiya siya sa nawawalang pondo ng SAP.

Kaya, ngayon nagkukumahog ang DSWD na ipamahagi ang natitirang pondo na binanggit ni Pacquiao.

Dati nang maraming natatanggap na reklamo ang PUNA tungkol sa ‘di natanggap na 2nd tranche ng ayuda mula sa DSWD.

Matatandaang may lumabas ding mga balita na may natitira pang pera na bahagi ng SAP ng DSWD na kanila raw natipid.

Kaya, tama lang na hagupitin kayo ni Pacquiao dahil ang pondo na ‘yan ay nakalaan ­talaga sa mga ­pamilyang naghihikahos dahil sa ­pandemya.

Kaya, gusto ng mga tagasubaybay ng PUNA na ituloy ang exposé laban sa korapsyon ng mga ahensiya ng gobyerno.

Kung walang magbubulgar ng katiwalian at korapsyon ay hindi kikilos ang mga namumuno sa pamahalaan.

Dahil sa matinding korapsyon, maraming Filipino ang naghihirap.

oOo

Para sa suhestiyon at reaksyon, mag-email joel2amo-ngo@yahoo.com, o magtext sa 0977-7511840.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment