SEAL OF GOOD LOCAL GOVERNANCE O SGLG AWARD NASUNGKIT NG PANIQUI, TARLAC!

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG

ISANG natatanging parangal ang tinanggap ng Paniqui, Tarlac mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ang Seal of Good Local Governance (SGLG) Award ay masayang tinanggap ng masipag na sina Mayor Max Roxas at Vice Mayor Aida Bien Roxas II. Ginanap ang ­awarding ­ceremonies sa Manila Hotel kamakailan.

Dito’y tumanggap ang ­Paniqui ng P5 milyon sa nasabing parangal na magagamit para sa mga proyektong pakikinabangan ng bawat ­Paniqueño.

“Patunay lamang po na maayos ang pamamalakad ng ating mahal na Mayor Max at Vice Bien Roxas, katuwang ang lahat ng kawani ng ating pamahalaang bayan, dahilan upang tayo ay mapabilang sa mga natatanging pamayanan sa buong Pilipinas,” ayon sa statement ng Paniqui LGU.

Kung matatandaan, sinasabing ang Paniqui ay ­naging Top 1 naman sa bilang ng mga ­nabigyan na ng booster shots laban sa COVID-19 at Top 3 sa bilang ng mga fully vaccinated individual mula March 2021-November 2022 ng Rural Health Unit (RHU), sa ­pangunguna ni Municipal Health Officer Dr. ­Raymond Tañedo.

Napag-alaman ng inyong lingkod na ito’y naging posible sa programa ni Mayor Max na “Ligtas Ka Na, May Bigas Ka Pa!”

Inisyatibo raw pala ito ni Vice Mayor Bien na sumama pa sa mga vaccinator sa pag-iikot ng Mobile Clinic sa bawat barangay upang mailapit ang bakuna sa ating mga kababayan doon.

Inihalal nga pala si dating SK Provincial President Voltaire Roxas bilang isa sa Board of Directors ng Philippine Red Cross (PRC) Tarlac Chapter.

Kung hindi ako nagkakamali, si Voltaire ay anak ni Mayor Max Roxas at nakababata namang kapatid ni Vice Mayor Bien. “Ang pamahalaang bayan ng Paniqui ay nagagalak sa’yo, Voltaire, bilang isa sa mga bagong halal na Board Directors ng PRC Tarlac Chapter. ­Congratulations and Keep up the Good Work,” pahayag naman ng Paniqui LGU.

Samantala, taos-puso nga palang nagpapasalamat ang pamahalaang bayan ng Paniqui sa pamumuno nina Mayor Max at Vice Mayor Bien sa napakabuting si Congressman Jaime Cojuangco sa pagbibigay ng P1 milyong halaga ng medical assistance sa Paniqui General Hospital.

Ayon sa Paniqui LGU, “Ito’y para sa ating mga kababayan na kapos sa buhay at walang kapasidad para sa kanilang ­pagpapagamot at bayarin sa gamot.”

“Patuloy ang mga programang pangkalusugan ng ­ating congressman, nina Mayor Max at Vice-Mayor Bien upang higit pang mapangalagaan ang bawat mamayang Paniqueño. Muli po…Maraming, maraming salamat po, Cong. Cojuangco!” dagdag pa ng pamahalaang bayan ng Paniqui.

Saludo po kami kina Mayor Max, Vice Mayor Bien, at Cong. Cojuangco sa tapat at mahusay na paglilingkod sa ating mga kababayan sa Paniqui.

God bless and more power po sa inyo!

41

Related posts

Leave a Comment