SELF-SERVICE PAYMENT OPERATOR PINAGBABAYAD NG MILYONG PISO

PRO HAC VICE Ni BERT MOZO

ANIMO’Y mga kabuteng nagsusulputan ang mga namemeke ngayon ng iba’t ibang produkto, hindi lamang sa Pilipinas, kundi maging sa buong mundo.

Halatang sinasamantala ang pagkakataon para makakamal ng pera at makapanloko ng kapwa.

Sa pagbubukas muli ng ekonomiya, namamayagpag naman daw ang mga ganid na negosyante.

Nariyan ang talamak daw na piracy at counterfeiting o pangongopya ng samu’t ­saring produkto.

Naku, napasok na yata nila pati ang legal na platforms tulad ng social media, e-commerce, at iba pang market.

Aba’y halimbawa na lamang diyan ay ang pangongopya raw na ginawa ng BTI Payments Philippines, Inc. (BTI) sa kiosk machines ng Manila Express Payments System (MEPS).

Kaya inatasan ng arbitral tribunal ang BTI na bayaran ng P13 milyon ang MEPS.

Ito’y bilang danyos sa ginawa nitong pangongopya ng patented utility model ng MEPS.

Ang arbitral award ay iginawad ng Philippine Dispute Resolution Center Inc. (PDRCI) noong Nobyembre 4, 2022.

Napatunayan daw ng arbitral court na lumabag sa intellectual property law ang BTI sa pakikipagsabwatan ng Electronic Transfer & Advance Processing Inc. (E-TAP).

Sinasabing nag-ugat ang arbitration case sa serye ng mga pagsalakay ng mga ­operatiba ng National Bureau of Investigation-Intellectual Property Rights Division (NBI-IPRD) noong July 2020 at March 2021.

Naglabas kasi ng search warrants sina Judge Reinalda Estacio-Montesa ng Regional Trial Court, Branch 46, ­Manila, at Judge Elma Rafallo-Lingan ng RTC, Branch 159, Pasig, laban sa BTI.

Sa nasabing mga operasyon, nasabat daw ang ilang kiosk machines na ­nagtataglay ng pangalang “Pay & Go” na kaparehong flow system at utility model ng TouchPay.

Ang TouchPay ay ­pag-aari at pinatatakbo ng MEPS.

Dahil nakarehistro ang kanilang utility model sa ­Intellectual Property Office (IPO), malinaw nga na may paglabag daw ang BTI.

Ang “Pay&Go” kiosk ­machines naman ay gawa raw ng E-TAP at pina-deploy naman ng BTI sa ­pangunguna ng mga opisyal ng kompanya na sina Peter Alexander Blacket, David Scott Glen, Danilo Ibarra, Neil Sison at Alina Sison.

112

Related posts

Leave a Comment