DI KO GETS ni GIO ANDREW CAYANONG (GUEST COLUMNIST)
TOTOO ang sinasabi ng ating mga kababayan sa Parañaque City na super sipag ng mga Olivarez.
Ang dedikasyon ni Congressman “Kuya Edwin” Olivarez at ng kanyang tanggapan para sa edukasyon at pagsulong ng mga kabataan ay hindi matatawaran.
Sa pamamagitan ng paglalaan ng oras, pondo, at suporta sa mga programa tulad ng Cookery NC II, nagiging instrumento sila sa pag-angat ng buhay ng maraming kabataan.
Ang mga iskolar na natapos ang Cookery NC II ay hindi lamang nabigyan ng sapat na kaalaman sa kusina, bagkus, binigyan rin sila ng oportunidad na magkaroon ng magandang trabaho at maabot ang kanilang mga pangarap.
Siyempre, ito ay isang magandang halimbawa ng pagsuporta sa vocational at technical education, isang sektor na may malaking papel sa pag-unlad ng ekonomiya. Ang pagtutulungan nina Congressman Edwin at Mayor Eric Olivarez ay isang mabisang paraan ng pagsasama-sama para sa kabutihan ng komunidad.
Masasabi na ang kanilang kooperasyon at pagkakaisa ay nagdudulot ng mas malalim na impluwensya sa pagpapabuti ng buhay ng mga mamamayan. Napakahalaga rin na kilalanin ang pambansang sertipikasyon at ang posibilidad nito na maging daan sa mas maraming oportunidad sa trabaho, lokal man o sa ibang bansa.
Nasa 71 ang kabuuang bilang ng mga nagtapos kung saan ang 23 na mula sa Batch 13 ay scholars ni Congressman Edwin habang ang 24 na mula sa Batch 11 ay scholars ni Mayor Eric at regular scholars naman ang iba.
Sumalang ang mga scholars sa training mula sa institusyon ng Olivarez College, Parañaque simula noong ika-17 ng Hulyo hanggang ika-22 ng Setyembre, pati na rin ang Assessment na ginanap sa mga petsa ng ika-27 hanggang 29 ng Setyembre ngayong taon.
Aba’y ito ay isang hakbang patungo sa mas magandang kinabukasan para sa mga iskolar.
Higit sa lahat, ang kanilang adhikain na maglingkod sa Diyos at sa tao ay tunay na naglalarawan ng kanilang mga prinsipyo sa serbisyong totoo. Tunay na mga lingkod bayan ang mga Olivarez. Dapat silang tularan ng iba pang mga public servants. Maituturing na mga idol ng mas marami.
Ito ay isang inspirasyon para sa iba na maging mapagkalinga at matapat sa kanilang paglilingkod sa bayan.
Kaya naman, ikalat pa natin ang #SaDiyosSaTaoSerbisyongTotoo, #sErbisyoLangpO, #TESDA.
Mabuhay po kayo, mga bossing, at God bless!
83