SI CONG. SONNY LAGON AT ‘ALAGANG NANAY’ NI PINEDA

TARGET ni KA REX CAYANONG

NAGLABAS kamakailan ng resulta ang RP Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) ng pagsusuri sa job performance ng party-list representatives ng ika-19 Kongreso.

Pasok dito si Cong. Sonny “SL” Lagon na mayroong 82.4% na rating na naglagay sa kanya sa ika-8 na puwesto sa 63 ng kanyang mga kasamahan sa party-list.

Ito ay isang matibay na patunay sa patuloy na sipag at dedikasyon ng Ako Bisaya Party-list sa pamumuno ni Lagon lalo na sa pagbibigay ng serbisyong para sa sambayanan.

Sa pangyayaring ito, pinatutunayan ng Ako Bisaya ang kanilang layunin na magpatuloy sa mas matinding pagsusumikap upang gawing mas abot-kaya at matagumpay ang mga serbisyong inaalok para sa ating mga kababayan.

Nagpapasalamat naman si Congressman Lagon sa pagkilala na ibinigay sa Ako Bisaya Party-list. Ito lamang ay nagpapalakas sa kanyang determinasyon na gawin pa nang mas marami at mas mahusay pa ang kanilang trabaho sa Kongreso.

Bilang mamamayan, nararapat lang na ipagpatuloy natin ang ating suporta at pagtitiwala sa kanilang party-list upang mas lalo pa nilang mapabuti at mapagtibay ang kanilang serbisyong iniaalay para sa ating bayan.

Samantala, nagbigay ng saya at serbisyong pangkalusugan si Vice Governor Lilia “Nanay” Pineda sa bayan ng Magalang sa pamamagitan ng “Alagang Nanay Preventive Health Care Program ni Governor Dennis “Delta” Pineda kamakailan.

Kasama ang mahuhusay na nars, doktor, dentista, at iba pang kawani mula sa Provincial Health Office (PHO) na pinamumunuan ni Dr. Zenon Ponce, nagtagumpay ang Kapitolyo sa pagdala ng libreng medical assessment at gamot sa mga residente ng Magalang. Mahigit 440 na Magaleño ang masuwerteng nakatanggap ng libreng medical assessment at gamot, habang 101 na pasyente ang napaglingkuran sa mga serbisyong dental.

Layunin nitong mailapit sa komunidad ang mga serbisyong pangkalusugan ng Pamahalaang Panlalawigan.

Ang programa ay nagtataguyod ng kampanya laban sa iba’t ibang uri ng sakit nagbibigay-diin sa malusog na pamumuhay para sa mga Kapampangan.

Napag-alaman natin na hindi lamang serbisyong medikal ang ibinibigay ng programa kundi pati na rin ang pagbibigay ng tamang impormasyon sa kalusugan.

Sa tulong ng medical mission, nabigyan ng pagkakataon ang mga residente ng Magalang na maging mas responsable sa kanilang kalusugan.

Ang “Alagang Nanay Preventive Health Care Program” ay isang huwarang programa na nagtataglay ng diwa ng malasakit at pag-aalaga sa kalusugan.

Patuloy itong nagbibigay ng tulong at serbisyong pangkalusugan hindi lamang sa Magalang kundi sa iba’t ibang bayan sa lalawigan. Sa pamumuno nina Vice Governor Lilia at Governor Delta, nawa’y magtagumpay pa ang programa sa pagtataguyod ng malusog at masiglang pamumuhay para sa mga Kapampangan.

165

Related posts

Leave a Comment