SILTATION O PAGBABAW NG SUBIC BAY

TINGNAN NATIN

UMULAN ng may kahabaan nitong nakaraang linggo sa Subic Bay Freeport at nagbaha sa mga lugar na taunan nang binabaha rito.

Tingnan Natin:  1992 nang isara ng US Navy ang base militar nila rito matapos ibasura ng Senado ang tratado sa patuloy sanang magpa­panatili ng mga Amerikano.

Kahit matagumpay na nagawang Freeport at Economic Zone ang Subic, hindi na nabigyang pansin ang mga dati ay regular na minamantinang imprastraktura noong panahon ng US Navy.

Sagana sa pondo ang US Navy noon, hindi gaya ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA), ang namamahala sa ngayon ay sentro ng negosyo at turismo.

Tingnan Natin: isa sa mga binaha at nagdulot ng malaking pinsala sa mga motorista, kapwa residente, negosyante at mga turista, ang bahagi ng junction na nagdurugtong sa Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEx) tumbok ng Rizal at Maritan Roads.

Katwiran ng ilang SBMA officials, nasa jurisdiction ito ng SCTEx management o Manila North Tollways Corp. (MNTC).

Sagot ng mga taga-Subic, responsibilidad ng SBMA ang lahat ng nasa loob ng Freeport.

Tingnan Natin: hindi nga dapat magsawalang bahala ang SBMA sa mga sitwasyong pumiperwisyo sa tao, kapag ito’y nangyayari sa loob ng teritoryo nito.

Ang maganda pa niyan, hindi na poproblemahin ng SBMA ang pondo para gawan ng solusyon ang pagbabaha sa naturang lugar dahil pwede nitong pagastusan sa MNTC.

Ito ang isa sa pwedeng gawin ng SBMA sa iba pang lugar ng Subic Freeport na binabaha: pagastusan sa mga negosyong apektado at makikinabang din naman sa resulta ng gagawing hakbang kontra pagbabaha. (Tingnan Natin / Vic V. Vizcocho, Jr.)

154

Related posts

Leave a Comment