SIMULA NG KATAPUSAN

MARAMI ang nanlumo sa muling paglobo ng arawang talaan ng mga kumpirmadong kaso ng nakamamatay na COVID-19. ­Dangan naman kasi, ang inaasahang pagwawakas ng pagdurusa at balik-normal na pamumuhay, naunsyami pa.

Pero iba ang pananaw ni Fr. Nicanor ­Austriaco, isang eksperto pagdating sa larangan ng molecular biology. Aniya, ito na ang indikasyong magwawakas na talaga ang pandemya, batay sa resulta ng pag-aaral ng mga kapwa niya dalubhasa.

Pag-amin ni Austriaco, higit na nakahahawa ang Omicron variant.

Gayunpaman, hindi naman aniya dapat mabahala dahil sa mga pag-aaral, ito raw ay isang “natural vaccine” na may kakayahang magbigay ng tinatawag na “antibodies” na kailangan ng lahat bilang proteksyon laban sa iba pang version ng lintek na COVID-19 tulad ng Delta variant na kumitil sa buhay ng 400,000 katao sa bansang India noong ­Hulyo ng nakaraang taon.

Totoo man o hindi ang tinuran ni Austriaco, ibayong ingat pa rin dapat ang diskarte ng publiko lalo pa’t makailang ulit na rin naman tayong nalansi ng mga naggagaling-galingan sa gobyerno.

Kung tutuusin, magandang balita naman ang pahayag ng paring siyentipiko. Bukod pa sa katotohanang ‘di hamak na mas kapani-paniwala si Austriaco kaysa sundalong ­itinalaga ng Palasyo at sa kapit-tukong kalihim ng isang departamento.

Giit ni Austriaco, magdasal kesa mawindang. Magbigay pag-asa kesa manlamang – mga mensaheng dapat sana niyang direktang inihayag para sa mga tulisan at kawatan ng gobyernong paulit-ulit na lang ang kapalpakan.

Narito ang bahagi ng kanyang pahayag sa isang panayam:

“We have to realize that Omicron is the beginning of the end of the pandemic because Omicron is going to provide the kind of population immunity that should stabilize our societies and should allow us to reopen”.

“This is the hope and the prayer. The Omicron is actually a blessing. It will be hard for one month, but afterwards, it should be a blessing because it should provide the population protection that we need everywhere.”

Oops, pero teka. Huwag naman sana ­nating hangarin pa ang mahawa!

79

Related posts

Leave a Comment