SINA CONG. EDWARD HAGEDORN AT SEC. LARRY GADON

TARGET NI KA REX CAYANONG

LABIS na ikinalugod ni Palawan 3rd District Representative Edward Hagedorn ang mabilis at overwhelming approval ng House Committee on Natural Resources sa House Bill No. 6373 o ang Kalayaan Island Group and Scarborough Shoal-Marine Protected Area (KIGSS-MPA) Bill.

Kung hindi ako nagkakamali, siya rin ang principal author ng panukala.

Wala naman daw siyang ibang layunin dito kundi ang ideklarang marine-protected area ang West Philippine Sea (WPS).

Nakalusot ang bill sa gitna ng pagtutol ng mga Tsino rito dahil nag-aalala raw ang Chinese government na baka pagmulan daw ito ng conflict sa WPS.

Mismong si Hagedorn na rin naman ang nagbigay-linaw na ito raw ay purely environmental issue at hindi territorial dispute.

Well, tama ang mambabatas dahil ito’y patungkol nga naman sa pagprotekta sa ating food source.

Sakaling maisabatas, ipagbabawal ang lahat ng mga aktibidad sa mga karagatang sakop o malapit sa dalawang bahura upang maprotektahan ang mga yamang dagat.

Gayunman, papayagan pa rin naman ang traditional fishing dahil maituturing naman daw itong generally harmless sa marine ecosystem.

Bukod kay House Speaker Martin Romualdez, pinasalamatan din ni Hagedorn sina Cavite 4th District Rep. Elpidio Barzaga Jr., Palawan 2nd District Rep. Jose Alvarez at iba pa.

Samantala, naglabas ng sunod-sunod na appointments si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng mga bagong opisyal sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Kasama sa mga bagong talagang government officials si Atty. Larry Gadon na iniluklok bilang Presidential Adviser on Poverty Alleviation.

May ranggong kalihim si Gadon na matagal nang kilala bilang Marcos loyalist.

May mga nakahanda na ring programa si Gadon na pinaniniwalaang makatutugon sa patuloy na kahirapan sa bansa.

Target na ikasa ng batikang abogado ang BBM Movement, at ilang nutrition and feeding programs.

Sa ilalim daw ng Batang Busog Malusog (BBM), hihimukin ang mga malalaking negosyo na mag-ampon ng mga paaralan para sa idaraos na feeding program bilang corporate social responsibility.

Nakikita ni Gadon ang feeding programs bilang tugon sa malawak na problema sa edukasyon lalo na sa elementary schools sa iba’t ibang panig ng bansa.

Bagama’t wala pang pormal na paglulunsad ng mga programa ni Gadon, dahil sa husay niya ay tiyak na malayo ang mararating ng mga ito.

Tunay na malaking suliranin ang kakulangan sa nutrisyon na nakikitang sanhi kaya mahina ang mga bata sa pag-unawa sa mga leksyon sa mga paaralan.

Mabuhay po kayo, mga bossing, at God bless!

66

Related posts

Leave a Comment