SINISIRAAN SI ATONG ANG SA ILLEGAL E-SABONG OPERATIONS

TARGET NI KA REX CAYANONG

PATULOY raw pala ang operasyon ng illegal e-sabong sa buong bansa.

At dahil sa nariyan pa rin daw ang operasyon nito, marami ang nasisirang buhay.

May mga nababaon sa utang. Ang iba pa nga raw, nagagawang magnakaw para lamang maitustos sa kanyang kinahumalingang e-illegal sabong.

Ang kasalukuyang pamahalaan ay tuloy-tuloy rin ang kampanya laban sa nangyayaring paglaganap ng illegal na e-sabong.

Mahigpit namang pinabulaanan ng kampo ni Pitmaster Live chairman at well-known sabong personality Charlie “Atong” Ang ang kanyang involvement daw sa mga illegal e-sabong operations.

Natuklasan na laging ginagamit ng unscrupulous pages ang larawan ni Ang para makahatak ng bettors. Ang dami ngang nagrereklamo sa ganyan.

Kung matatandaan, mula nang ipatigil ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang e-sabong operations noong May 3, 2022, nagsara na rin ang opisina ng Pitmasters Live at ang mother company nitong World Pitmasters Cup.

Makikita naman sa poster na inilabas ng Pitmaster TV Page ang pagkondena nito sa paggamit sa imahe ni Ang.

“Buhat noong May 3, 2022, walang operasyon ng e-sabong lalung-lalo na ang WPC (World Pitmaster Cup). Ano mang post ang lumabas na ginagamit ang WPC o ang chairman nito na si Ginoong Charlie “Atong” Ang ay isang panlilinlang lamang,” saad sa poster disclaimer.

Dagdag pa ng FB Page: “Lahat ng mga e-sabong operations ngayon ay illegal at hindi ligtas ang inyong pera at taya. Mag-ingat!”

Bukod dito, naglabas din ito ng video laban dito. Sa nasabing post, aba’y hinihimok ng Pitmaster ang mga netizens na i-report at i-block ang FB accounts na nagpo-promote ng e-sabong.

Well, dapat lang naman.

Naku, ayaw ni Boss Atong Ang ng ganyan. Kaya huwag po kayong magpagoyo sa mga ganyang operasyon.

At isa pa, huwag nating tangkilikin ang illegal, du’n po tayo sa legal.

Mabuhay ang bayang sabungeros!

132

Related posts

Leave a Comment