SONA AT GULO SA BUWAN NG HULYO

PRO HAC VICE

Taun-taon na lang tuwing buwan ng Hulyo ay nagugulo ang buhay ng karamihang Pinoy sa Lungsod Quezon at sa iba’t ibang panig ng bansa. Ito’y dahil lamang sa State of The Nation Address ng pangulo ng bansa.

Bakit kaya ‘di na lang amiyendahan ang Saligang Batas na gawing holiday ang ikatlong Lunes ng buwan ng Hulyo para sa SONA ng pangulo ng bansa upang matiyak na lahat ng mga mamamayan ay makapakinig sa ulat sa bayan ng pangulo.

At huwag gawin ito sa Kamara at gawin na lamang ito sa Malacañang kasama ang halal na Senate president at speaker of the House at gawing live feed sa lahat ng mga TV at radio station.

Mantakin n’yo namang taun-taon na lang na nasasayang ang pondo ng bayan para lamang sa nasabing okasyon gayung makikita naman natin na ang mga mambabatas na dumadalo maging ang mga bisita para sa naturang okasyon ay ayon nakanganga dahil tulog na, ang iba naman ay makikita mong wala ang atensyon sa pangulo dahil nagte-text at nagtsitsismisan.

Bukid doon ay nakakaantala sa daloy ng trapiko sa lansangan partikular na sa kahabaan ng Commonwealth at IBP Road dahil sa presensya ng pro at anti-government rally.

Siyempre pa kailangan ang presensya ng pulisya para sa mga taong walang kasiyahan na taun-taon na lamang ay gumagawa ng eksena kapag mayroong SONA.

Pagkatapos n’yan tambak na basura ang iniiwan ng mga taong kulang sa pansin na gastos na naman natin ‘yon dahil sa buwis natin kinukuha ang mga ibinabayad sa paghahakot ng basura ng mga tinamaan ng kulog na mga KSP.

Bakit kaya ganoon tayong mga Pinoy inggit na inggit tayo sa kaayusan sa ibang bansa pero tayo mismo na nakatira sa Pilipinas ay siyang gumagawa ng ikapipintas ng mga dayuhan sa ating bansa?

Tama nga si Pangulong Digong na ang tunay nating kalaban ay ang ating sarili dahil magaling lang tayo mamuna sa kapintasan ng iba gayung mayroon din tayong mga nagagawang kapintasan.

Mga Kabalat, isip-isip naman para sa ikauunlad ng ating bayan!!! (Pro Hac Vice / BERT MOZO)

193

Related posts

Leave a Comment