RAPIDO NI TULFO
MUKHANG kailangan nang pagtuunan ng pansin ang malawakang hoarding ng sibuyas sa bansa.
Ito ay matapos mai-report na nagkakaroon na naman ng shortage o kakulangan sa suplay ng sibuyas.
Ayon kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, kailangang i-monitor ng House Committee on Agriculture and Food ang nangyayaring kakulangan sa suplay ng sibuyas.
Malinaw umanong may mga nagho-hoard o nagtatago ng mga sibuyas para pataasin ang presyo nito na kamakailan nga ay pumalo na naman sa P80-90 ang kada kilo nito.
Dapat ay mas paigtingin ng gobyerno ang kampanya laban sa mga hoarder ng anomang suplay sa bansa, kabilang na rin ang suplay ng bigas.
Matatandaang ipinangako ni Pangulong Bongbong Marcos na ibaba ang presyo ng bigas at iba pang mga bilihin. Pero paano n’ya ito magagawa kung maglilipana ang mga kawatan?
141