Marami ang nag-iintriga sa magkapartner at magkasanggang-dikit na sina Bulacan Governor Daniel Fernando at Vice Governor Wilhelmino Sy-Alvarado na maghihiwalay daw ang dalawa, kesyo maglalaban daw ang mga ito sa mga hinaharap na panahon.
Makailang beses nang ipinaliwanag ni Fernando na maganda ang kanilang samahan ng kanyang partner na si Alvarado at wala sa kanilang bukabularyo na sila ay mag-aaway at maghihiwalay.
Pinabulaanan din ni Fernando ang mga intriga na si Alvarado umano ang nagpapatakbo ng Kapitolyo. “Uulitin ko, maayos ang aming pag-uusap ni Willy, nagkakasundo kami at nag-uusap kami para sa ikagaganda ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan. Ako ang nagpapatakbo ng kapitolyo” pahayag ni Fernando.
Sa kasalukuyan ay parehong abala sina Fernando at Alvarado sa kanilang mga trabaho lalo na ang pagtutok sa African Swine Fever na nanalasa sa lalawigan ng Bulacan. Kamakailan lamang ay galing si Fernando sa China para makipag Sister City sa isang lalawigan dito na siyang magpo-produce ng P50 bilyon Mega Project sa lalawigan ng Bulacan.
oOo
P74-M SPORTS COMPLEX ITATAYO SA MECAUAYAN CITY
Nagkaroon ng ground breaking ceremony at capsule laying ang pamahalaang lungsod ng Meycauayan para bigyan daan ang matagal nang pangarap ng mga taga lungsod dahil itatayo na rin ang Meycauayan Sports Complex.
Ang planong pagpapatayo nito na nagkakahalaga ng P74 milyon ay ipinangako noon ni dating Mayor at ngayon ay 4th District Cong-ressman Atty. Henry Villa-rica para may magamit ang kanilang mga kababayan.
Sinabi ni Mayora Linnabell Ruth R. Villarica, na ito na ang katuparan sa ipinangako ng kanyang asawang si Villarica ang maitayo ang sports complex na may lawak na land area na 7,000 square meters na kauna-unahan sa lalawigan ng Bulacan. Ito ay may world-class standard amenities tulad ng track and field oval, with sports rubber flooring, basketball, badminton, and tennis court, eco-tourism parks, evacuation center at mga opisina na may tulay na tatawid sa lagoon at inaasahang matatapos sa 2021.
Ang nasabing ground-breaking ay sinaksihan ng mga iba pang opisyal ng lungsod na kinabibilangan nina Vice Mayor Josefina Violago, Councilor Catherine Abacan, Jeremico Dulala, Mario Aguirre, Mary Christine Paguio, Arnaldo Velesco, Mario Berboso, Dhon M. Banes, Atty. Larrisa Abracero, Wilfredo Macatulad, Anna Kathrina Hernandez, barangay officials at department heads. (Hagupit ni Batuigas / MARIO B. BATUIGAS)
322