TELECOM INDUSTRY MUNTIK NANG YANIGIN NG SMC

RAPIDO NI PATRICK TULFO

SEVERAL years ago, balak sanang pasukin ng CEO ng San Miguel Corporation na si Ramon S. Ang (RSA), ang telecommunication industry na dinodomina lang ng dalawang service providers, magpasa-hanggang ngayon.

Nayanig ang industriya sa balitang ito at bilang katunayan ay naglabas ng pera ang mga kalaban ng San Miguel upang siraan ang pinakamalaking kumpanya, hindi lang dito sa buong Pilipinas kundi maging sa buong Southeast Asia.

Paano ko po nalaman ito? Dahil isang kasamahan sa pamamahayag ang lumapit sa akin upang alukin na sumama sa binubuo niyang grupo na babanat sa plano ni RSA.

Nakalimutan yata nito na matagal na pong sinusuportahan ng SMC ang aking programa noong magsimula ito.

Hindi natuloy ang magandang plano ni Boss RSA na maging ikatlong player sa industriya na dinodomina lang ng dalawang pangalan.

Napilitan si Boss Ramon Ang na iabandona na ang kanyang plano matapos na hingin ng kanyang foreign counterpart na magkaroon ng garantiya sa kontrata nilang dalawa na isosoli ni Boss RSA ang kanilang ilalabas na pera, sakaling hindi magtagumpay ang kanilang joint venture dito sa bansa.

Sayang! Tayo sana ang nakinabang kung nagkataon dahil sinabi mismo ni SMC top honcho Ramon Ang na kaya nilang tapatan at lagpasan ang serbisyong ibinibigay ng dalawang telecom players sa bansa.

Sa mga nangangailangan ng aming tulong, pwede ninyo po kaming puntahan sa aming istasyong DZME na matatagpuan sa 18th Citra Bldg., San Miguel Ave., Ortigas Pasig City, mula Lunes hanggang Miyerkoles, 10:00 ng umaga hanggang 1:00 ng hapon.

Pwede naman po akong sadyain sa isa pa naming tanggapan na matatagpuan sa RM. 2702, 27th floor, AIC Burgundy Tower, ADB Ave., Ortigas, Pasig City, tuwing Huwebes at Biyernes po, mula 1:00-4:00 ng hapon. Salamat po.

354

Related posts

Leave a Comment