TUNAY NA LINGKOD-BAYAN

BAGWIS

Bagama’t wala na sa pamahalaan ay aktibo pa rin sa paglilingkod sa bayan itong si dating DILG Secretary Mel Senen Sarmiento.

Iba talaga kapag nananalaytay sa iyong dugo ang serbisyo publiko kaya’t hindi na ako nagtaka noong malaman natin na aktibo pa rin siya sa pagtulong sa ating mga kababayan.

By the way, alam ninyo ba na itong si Secretary Sarmiento ang orihinal na may-akda at ang may orihinal na konsepto sa ni­lagdaan kamakailan ni Pa­ngulong Duterte na Republic Act 1392 na nagbibigay sa limang national performing arts companies (NPAC) ng P5 milyon hanggang P10 milyon pondo sa bawat limang taon.

Layon ng batas na ito na lalo pang pagyamanin ang mga sining-pagganap o performing arts sa ating bansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng insentibo sa mga grupo na maitutu­ring na pinakamagaling sa kanilang larangan gaya ng ballet, contemporary dance, teatro, pag-awit at iba pa katulad ng sining.

Sa pamamagitan ng batas na ito, tanging ang mga grupo na piling-pili at mga pinakamagagaling ang mabibigyan ng ganitong tulong sa halip na nakabatay ang pagbibigay ng pondo sa mga malalakas sumipsip na mga organisasyon.

Nakakamangha rin ang mga isinasagawang pagkilos nitong si dating Secretary Sarmiento sa pagtulong sa ating mga sundalo.

Bilang miyembro ng Philippine Army Multi-sector Advisory Board, nabigyang daan ni Secretary Sar­miento ang pagkakaroon ng malaking discount ang mga miyembro ng Hukbong Sandatahan sa St. Lukes Medical Center na siyang itinuturing na isa sa pinakamalaki, pinakamoderno at pinakamahal na ospital sa ating bansa. Ang ibibigay na discount sa mga sundalo at kanilang mga kaanak ay kapareho ng ibinibigay na discount sa mga empleyado mismo ng St. Lukes o ‘yung tinatawag na “employees’ rate.”

Abala rin ngayon si Secretary Sarmiento sa pag-oorganisa ng mga pagtitipon kasama ang pamilya ng mga sundalo upang maturuan sila ng tinatawag na financial literacy sa tulong na rin ng BDO Foundation.

Kahanga-hanga talaga ang dedikasyon nitong si  Secretary Sarmiento kaya’t malaki ang ating panghihinayang na wala na siya sa gobyerno. Ang mga taong gaya ni Secretary Sar­miento ang kailangan ng ating pamahalaan na tila lalo pang pinamumugaran ngayon ng mga tiwali at mga makakapal ang mukha.

Kung sabagay, wala akong duda na babalik sa paninilbihan sa pamahalaan si Secretary Sarmiento. Kung hindi man ngayon ay tiyak na mangyayari ito sa darating na panahon. (Bagwis / GIL BUGAOISAN)

130

Related posts

Leave a Comment