ULP VS AMBASSADOR FUNERAL HOMES ISINAMPA

PUNA Ni JOEL AMONGO

PORMAL nang naghain ng reklamo sa National Labor Relations Commission – National Capital Region (NLRC-NCR) sa Banawe, Quezon City ang pitong (7) manggagawa ng Ambassador Funeral Homes sa mga may-ari nito noong Enero 16, 2023.

Kabilang sa mga ito ay sina Samuel Arrojo, Dante Carillo, Diodel Irinco, Eduardo Arrojo, Ariel Carillo, Alex Custodio at Daniel Valencia.

Ang kanilang reklamo sa NLRC ay laban sa may-ari ng Ambassador Funeral Homes na si Rutchel Bunyi, presidente ng kumpanya na may mailing address sa 257-259 A. Mabini St., Caloocan City.

Ang reklamo ng mga manggagawa laban sa management ng kanilang kumpanya ay Unfair Labor Practice (ULP).

Ang mga ito ay ang money claims, payment for separation pay, holiday pay, service incentive leave, 13th month at night shift differential.

Ang kasong Samuel de Leon Arrojo et al, complainant/s vs Ambassador Funeral Homes, respondent/s ay hahawakan ni Labor Arbiter Ann M. Sapasap.

Nauna rito, humingi ng tulong ang mga manggagawa sa PUNA na una na nating nailabas sa pahinang ito.

Matapos na mailabas natin sa PUNA ang kanilang reklamo laban sa Ambassador Funeral Homes ay nakipag-usap sa kanila si Ginang Bunyi at inaalok sila ng tig-5K hanggang tumaas sa 10K bawat isa kanila.

Hindi pumayag ang mga manggagawa sa halagang alok ng may-ari ng punerarya at mas minabuti nilang magsampa sa NLRC-NCR ng kaso laban dito.

Pakiramdam ng mga manggagawa ay binabarat sila ng may-ari dahil naglingkod sila sa Ambassador Funeral Homes mula 15-taon hanggang 32-taon.

Sa ganang akin, dahil nasimulan nating tulungan ang mga manggagawa ng Ambassador Funeral Homes ay subaybayan natin ang kanilang kaso habang dinidinig sa NLRC-NCR.

Umaasa ang PUNA na mabibigyan ng katarungan ang reklamo ng mga manggagawa laban sa may-ari ng kumpanya na kanilang pinanggalingan.

Subaybayan natin hanggang sa katapusan, sa totoo lang tayo.

oOo

Para sa suhestiyon at reaksyon mag-email sa joel2amongo@yahoo.com/operarioj45@gmail.com o mag-text sa cell# 0977-751-1840.

144

Related posts

Leave a Comment