VP ROBREDO, IBABASURA NG MGA SABUNGERO

MAGANDA ang itinatakbo ng online sabong operations sa bansa.

Nakatutulong ito sa gobyerno.

Kahit si Pangulong Rodrigo Duterte, alam na may ambag ang buwis ng e-sabong sa ekonomiya.

Pero iba ang tingin dito ni Vice President Leni Robredo na tumatakbo sa pagka-pangulo.

Aba’y para sa kanya, dapat daw itong isuspinde sa lalong madaling panahon.

Dahil daw ito sa malaking “social cost” na idinudulot nito sa bansa.

Sa “Kandidatalks” presidentiables series, binanggit ni Robredo na nakapipinsala

sa pamilya at ilang Pinoy ang e-sabong operations.

“Paniniwala ko talaga kai­langang i-suspend na ito,” wika niya.

Hindi marahil nakikita ni ­Robredo ang perang ibinubuhos ng e-sabong operators sa pamahalaan.

May mga masamang kwento raw sa likod ng operasyon nito.

Well, siya na rin ang nagsabi na kwento lang ang mga iyon.

Ibig sabihin, walang kwenta dahil kwento nga eh.

“Yung mga nawawala na e-sabungero, ‘yung mga nagpakamatay, ‘yung mga bata na nagkakaroon ng access sa gambling, ‘yung mga pamilya na nag-aaway away, ‘yung mga ipon ng mga OFWs na ang tagal iniwan ang pamilya para makapag-ipon tapos because of e-sabong, naubos,” sabi ni VP Robredo.

Sabi ko nga, bulag talaga si VP sa mga nangyayari.

Hindi niya nakikita ang mga tulong na ibinibigay ng e-sabong sa maraming LGUs o local government units.

“Ang dami na nating ­naririnig and kailangan natin ‘tong pakinggan dahil hindi worth ng kahit na anong laki ng government revenue kung ang kapalit nito pagkasira ng ordinaryong Pilipino,” sabi ni Robredo.

Tama nga ako, naririnig lang niya ang mga iyan.

Nangangahulugan na hindi kumpirmado.

Mantakin ninyo, puro kwento lang ang naririnig niya at hindi pa naman confirmed.

Samantalang ang tulong sa gobyerno at oportunidad sa trabaho, confirmed na pero hindi pa rin siya naniniwala.

Kaya tiyak na ibabasura si VP Leni ng mga nagmamahal sa sabong sa bansa.

Naku, libu-libo pa naman ang mga sabungeros at aficionados sa buong kapuluan.

Abangan na lang natin ang susunod na kabanata.

94

Related posts

Leave a Comment