WHAT A WONDERFUL NIGHT

PRO HAC VICE Ni BERT MOZO

MAAARI na palang magsagawa ng isang fund raising ang Judiciary sa pamamagitan ng isang concert dahil sa natuklasan kong mga angking talento ng ilang mga ­mahistrado ng Korte Suprema.

Napatunayan ko na hindi lamang sa pagsasagawa o pagdedesisyon ng mga kaso maasahan ang mga mahistrado kundi maging sa pag-awit ay magaling din ang ­ating mga justice ng ­Supreme Court.

Noong gabi ng Sabado, sa pagdiriwang ng kaarawan ni SC Associate Justice Ricardo Rosario, lumabas ang talento ng ilang mahistrado, na hindi lamang pangkaso kundi pang-entertainment pa mayroon ang tinaguriang “Gods of Padre Faura” sa lungsod ng Maynila.

Dahil sa naturang birthday party ay nagpakita ng kanilang angking galing sa pag-awit sina SC AJ Ramon Paul Hernando nang awitin nito ang walang kamatayang “The Long and Winding Road” ng The Beatles samantalang si dating AJ Estela Perlas Bernabe naman ay nakipag-duet sa batikang composer/singer na si Ogie Alcasid nang kanilang kantahin isang Original Pilipino Music na “Bakit Ngayon Ka Lang”.

Nakipagsabayan din sa pag-awit sina Solicitor ­General Menard Guevarra nang awitin din nito ang “Because” ng the Dave Clark Five, at isa rin na naghandog ng awitin ay si dating Executive Secretary Salvador Medialdia nang awitin nito ang “Hey Jude” ng The Beatles, maituturing ngang wonderful night para sa mga dumalo sa naturang pasinaya, ang nakaraang gabi ng Sabado, October 15 nang ipinagdiriwang ang birthday ni SC AJ Ricardo Rosario.

Maraming mga kilalang personalidad mula sa hudikatura ang dumalo sa kaarawan ng butihing mahistrado na si AJ Ricky Rosario na isa nga ang inyong lingkod na naimbitahan.

Masasabi ko ngang isa ako sa mga mapalad na makarinig at makasaksi sa mga bigating personalidad ng kanilang tinig sa pag-awit, sila pala’y maituturing ding katulad ng pangkaraniwang Pinoy na may pagmamahal at may hilig din sa MUSIKA!

Kabilang din sa mga naanyayahan ang bigating Dos Por Dos personalities na sina Anthony Taberna at Jerry Baja, at ang sikat dahil sa kanyang ‘bubuwit’ na si DZRH Anchor Deo Macalma, na maaga namang lumisan sa pagdiriwang dahil baka mahingian pa ng awitin, ha ha.

Ang naturang event ay nakasunod sa mga alituntunin ng minimum health ­protocol, dahil kailangang mayroong kang negative result ng RT-PCT o Antigen test.

“HAPPY BIRTHDAY JUSTICE RICKY ROSARIO, wish you more candles to blow, cakes to slice, and good health. Cheeeeers!!!”

9

Related posts

Leave a Comment