QUEZON – Umangal ang mga residente ng bayan ng Mauban dahil sa tila kawalan umano ng aksyon ng mga awtoridad sa walang katapusang pagbaha sa kanilang bayan na muling naranasan nitong Martes ng umaga, Oktubre 14, matapos ang magdamag na malakas na ulan.
Ayon sa mga residente, halos buong kabayanan, kabilang ang Poblacion at karamihan sa mga barangay, ay lubog sa baha na mistulang dagat na ang itsura.
Itinuturong dahilan ng ilan ang umano’y maling disenyo ng bypass road, na anila’y hindi nasunod ang orihinal na plano dahil sa pagdaan nito sa mga pribadong lupa.
Dahil dito, nanawagan ang mamamayan sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at sa lokal na pamahalaan na agarang tugunan ang problema bago pa lumala ang sitwasyon.
Kaugnay nito, sinuspinde ng LGU ang klase sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan alinsunod sa rekomendasyon ng MDRRMC, dahil sa patuloy na pagbaha at banta ng landslide dulot ng amihan at low-pressure area (LPA).
(NILOU DEL CARMEN)
82
