PAGBUBUKAS NG SESYON NG SENADO SUSPENDIDO

IPINAG-UTOS ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III ang suspensyon ng pasok sa Senado, ngayong Lunes, Nobyembre 10.

Ito ay bunsod ng inaasahang epekto ng pananalasa ng Super Typhoon Uwan.

Dahil dito, suspendido ang nakatakdang pagbabalik ng sesyon ng Senado mula sa halos isang buwang break.

Sa pagbabalik sesyon, inaasahang tatalakayin ang ilan pang mahahalagang panukalang batas partikular ang pagbuo ng Independent People’s Commission na tututok sa imbestigasyon sa lahat ng proyekto ng gobyerno gayundin ang 2026 budget at anomalya sa flood control projects.

Kamara Wala Ring Pasok

Sinuspinde na rin ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang trabaho at maging ang sesyon ng mga mambabatas ngayong Lunes, November 10.

Sa advisory na inilabas ni House Secretary General Cheloy Garafil, tanging ang mga tanggapan sa Kamara na may mahalagang papel sa panahon ng kalamidad ang kailangang pumasok sa kanilang trabaho.

Inaasahang mananalasa ang bagyong Uwan, hindi lamang sa mga lalawigan kundi maging sa Metro Manila na naging dahilan para suspindehin na rin ng Metro Manila mayors ang klase sa pribado at pampublikong paaralan ngayong Lunes.

Maging ang trabaho sa lahat ng ahensya ng gobyerno sa Metro Manila, Region I, II, III, Region IV-A at Regional IV-B, Region V at Region VIII ay sinuspinde na rin ng Malacañang.

(DANG SAMSON-GARCIA/BERNARD TAGUINOD)

51

Related posts

Leave a Comment