Simula na immigration countdown ni Trump HOTLINES INILATAG PARA SA MGA PINOY SA US

(CHRISTIAN DALE) NAGLAGAY ang Philippine Embassy sa Estados Unidos ng 24/7 hotlines para sa mga Pilipino na nandoon sa gitna ng implementasyon ni US President Donald Trump na paglansag sa illegal immigrants. Sa isang Facebook post, sinabi ng Philippine Embassy na ang lahat ng mga Pilipino sa Estados Unidos ay mayroong karapatan anoman ang kanilang immigration status. Sinasabing, available ang 24/7 consular hotlines sa mga ‘urgent situation.’ Ayon sa Philippine Embassy, ang consular services ay available sa lahat ng mga Pinoy, anoman ang status. Ang mga hotline ay nasa Washington…

Read More

KAMARA TAMEME SA BLANK ITEMS SA BICAM REPORT

WALA pang nagsasalita sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kaugnay sa inirereklamong blangkong item sa bicameral conference committee report sa 2025 national budget. Maging si Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo na kasalukuyang Appropriations committee acting chairperson ay tila umiwas sa mga tanong ukol sa usapin. Sinubukang kunan ng mga reporter ng paliwanag si Quimbo ukol sa isyu sa isang ambush interview, ngunit pinatabi lang sila ng staff ng mambabatas dahil kailangan na nitong umalis para sa isang event. “Nagmamadali lang siya. Nagmamadali lang siya,” wika ng tauhan habang mabagal na…

Read More

Ang pumalag, sibak – Ungab LIDERATO NI ROMUALDEZ MALA-MARTIAL LAW

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) IBINAHAGI ni Davao City 3rd District Rep. Isidro Ungab ang kakaiba aniyang liderato ngayon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na hindi maaaring sumalungat sa nakararami. Mistulang martial law style ang paglalarawan ni Ungab sa pamumuno ni House Speaker Martin Romualdez dahil kapag aniya hindi ka sasang-ayon sa kanila, tatanggalan ka ng posisyon. “First time ko rin nakita ito na leadership sa Congress na pag hindi ka sasang-ayon sa kanila-if you start talking against what they are saying, sinu-suppress talaga nila ang opposition. Tatanggalan ka ng position,…

Read More

PINAS MAGPAPADALA NG HCWs SA JAMAICA

SASAKLOLOHAN ng Pilipinas ang bansang Jamaica upang punan ang kakulangan sa healthcare workers ng naturang bansa. Ito ang kinumpirma kahapon ng Department of Health (DOH) kasunod ng nilagdaang Memorandum of Understanding (MOU) ng ahensya sa pagitan ng Ministry of Health ng Jamaica, na magpapahintulot sa mabilisang pagpapadala ng mga Pinoy healthcare worker para sa capacity building. Hindi naman tinukoy ng DOH kung gaano karami ang healthcare workers na ipadadala sa Jamaica. Nilagdaan ang naturang kasunduan nina Philippine Health Secretary Teodoro Herbosa at Jamaican Health Minister Christopher Tufton sa Kingston, Jamaica.…

Read More

Kapag ipinasa na sa Interpol PAGPAPAARESTO NG ICC ‘DI DAPAT BALEWALAIN

HINDI dapat balewalain sakali’t mag-requesT ang International Criminal Court (ICC) na arestuhin o ihatid ang taong ‘subject’ sa ICC jurisdiction, kapag idinaan na ito sa Interpol. Ang paliwanag ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa press briefing sa Philippine International Convention Center sa Pasay City, bagaman hindi pa rin nagbabago ang posisyon ng Pilipinas hinggil sa ICC at ang withdrawal ng Pilipinas mula sa ICC ay may bisa na, sinabi ni Bersamin na mapipilitan ang gobyerno ng Pilipinas na tumugon sa request kung idadaan na ito ng ICC sa Interpol. “If…

Read More

GLORIA ROMERO PUMANAW NA

Nagluluksa ang industriya ng pelikulang Pilipino matapos sumakabilang-buhay ang itinuturing na “First Lady” ng Philippine Cinema na si Ms. Gloria Romero, sa edad na 91. Nitong January 25, araw ng Sabado, kinumpirma mismo ng kanyang nag-iisang anak na si Maritess Gutierrez, sa isang news report na mapayapang pumanaw si Romero at bumalik na sa tahanan ng Poong Maykapal. Nakatakda ang kanyang wake sa Arlington Memorial Chapel sa Quezon City. “Sa panahong ito ng pagkawala, lubos na pinahahalagahan ng aming pamilya ang suporta, panalangin, pakikiramay, lahat ng magagandang mensahe at taos-pusong…

Read More

OFW NASA OSPITAL, HUMIHIYAW NG SAKLOLO

AKO OFW ni DR. CHIE LEAGUE UMANDAP DUMULOG sa AKO OFW sa SAKSI Ngayon ang kapatid ng overseas Filipino worker na si Neneth Cunanan para sa kailangang tulong dahil sa kalagayan nito. Ayon kay Irene Cunanan, kasalukuyan pang nasa Dubai, United Arab Emirates ang kanyang kapatid na si Neneth, isang OFW, at nagtatrabaho bilang housekeeper roon. Hindi na raw niya maatim ang sitwasyon ng kanyang kapatid na kasalukuyang naka-confine sa ospital dahil sa sakit nito. Mula Oktubre noong 2024, hindi na raw nakapagtrabaho si Neneth dahil sa iniinda nitong sakit…

Read More

BOLADAS NI DA SEC TIU LAUREL

CLICKBAIT ni JO BARLIZO TILA binola nitong si Agriculture chief Francisco Tiu Laurel Jr., ang publiko kamakailan sa sinabi niyang noong panahon ng kampanya na nagbitaw ng pangako si Pangulong Bongbong Marcos na maibababa sa P20 ang kada kilo ng bigas, ay malaki raw ang posibilidad na matamo iyon noon. Noon at hindi ngayon. Anya, nagbago ang mga pangyayari kaya hindi na maibaba ng gobyerno ang presyo ng bigas sa P20 kilo. Pahirapan daw dahil may Ukraine war. Pwede palang makamit noon, eh ba’t di ginawa agad? Palusot. Hindi na…

Read More

ANG KAPAL NG ILANG SENATORIAL CANDIDATES 2

DPA ni BERNARD TAGUINOD DAPAT talagang matuto na ang sambayanang Pilipino sa pagpili ng ibobotong mga senador ngayong midterm election upang hindi na madagdagan ang mga kenkoy sa Mataas na Kapulungan. Habang patagal nang patagal kasi, parami nang parami ang bilang ng mga senador na kenkoy dahil maraming senatorial candidate ang hindi nahihiyang tumakbo kahit kulang sila ng kuwalipikasyon. May mga kandidato sa paparating na midterm election ang idinadaan sa sayaw ang panliligaw para sila ay ibalik, este, iboto sa susunod na eleksyon. Sa sayaw na nga lang, hindi na…

Read More