CONVENIENCE STORE SA TAGAYTAY, HINOLDAP

TAGAYTAY CITY – Pinaghahanap ng mga awtoridad ang isang solong motorcycle rider na nangholdap sa isang kilalang convenience store sa lungsod noong Linggo ng madaling araw. Ayon sa ulat, bandang alas-2:45 ng madaling araw noong Linggo nang pumasok ang suspek na nagpanggap na customer, sa convenience store sa Tagaytay-Amadeo Road, Brgy. Kaybagal Central, Tagaytay City. Nang matiyak ng suspek na walang customer, nagdeklara ito ng holdap at tinutukan ng baril ang cashier na si Jimma Martinez at tinangay ang P20,000 cash na kita ng tindahan, at isang Samsung Galaxy A5…

Read More

SCHOOL REGISTRAR SA LUCENA PUMALAG SA RAPE, SUGATAN

LUCENA CITY – Sugatan ang isang 31-anyos na ginang na isang school registrar, matapos manlaban sa isang lalaking nagtangkang gumahasa sa kanya sa kanyang bahay sa San Isidro Subdivision, Barangay Gulang-Gulang, sa lungsod noong Linggo ng tanghali. Ayon sa imbestigasyon ng Lucena City Police, natutulog ang biktima sa kanilang bahay dakong alas-12:00 ng tanghali nang magising ito at makita ang suspek na nakaupo sa tabi niya habang wala nang pang-ibabang kasuotan. Nang tangkain ng suspek na gahasain ang biktima agad tumayo ang babae dahilan upang magpambuno sila. Bumunot ng kutsilyo…

Read More

1 PATAY, 1 SUGATAN SA BANGGAAN NG MOTOR AT AMBULANSYA

QUEZON – Patay ang isang 34-anyos na computer technician habang sugatan ang kanyang backrider matapos na ang sinasakyang motorsiklo ay masalpok ng isang ambulansya sa Bypass Road, sa Barangay Tumbaga 1, sa bayan ng Sariaya sa lalawigan nitong Lunes ng madaling araw. Kinilala ang biktimang namatay na si alyas “Dempster”, residente ng Barangay Angustias, Tayabas City, habang kinilala ang backrider na si Maureen Mendez, 26, isang visual assistant freelancer, ng Barangay Sampaloc 2, Sariaya, Quezon. Ayon sa imbestigasyon, bandang alas-12:25 ng madaling araw, binabaybay ng motorsiklo ang lugar patungong Barangay…

Read More

Para mapaluwag mga kalsada 7AM-4PM WORKING HOURS SA GOV’T OFFICES ITINULAK

MASUSING pinag-aaralan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang rekomendasyon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na i-adjust ang working hours ng national government agencies sa National Capital Region (NCR) upang maibsan ang mabigat na trapiko. “Well, we’re studying it. If it works, we’ll do it. But we have to, it’s not enough to talk to the traffic enforcers and the administrators of traffic that have made the suggestion,” ayon sa Pangulo sa isang ambush interview matapos dumalo sa paglulunsad ng TESLA Center Philippines sa Tesla Center, Uptown Parade, Uptown Bonifacio,…

Read More

BERSAMIN NAPIPISIL NG 68% NG MGA TAGA-ABRA

TWO third ng mga botante ng Abra Province ang mas pipiliin na gawing gobernador si Eustaquio Bersamin, kapatid ni Executive Sec. Lucas Bersamin laban sa katunggali nitong si Bangued Vice Mayor Joaquin Bernos ngayong 2025 midterm election. Base sa Tangere Survey mula January 13 hanggang January 16, 2025 na may 800 respondents at face to face interview, 68% o pito sa bawat botante ng lalawigan ng Abra ay mas napipisil si Bersamin habang 25% ang puntos ni Bernos at 7% naman ang undecided. Naitala ang malakas na suporta kay Bersamin…

Read More

SEXUALITY EDUCATION IAKMA SA EDAD

NANINDIGAN si Senador Pia Cayetano na mahalaga ang sexuality education sa kabataan subalit dapat itong itugma sa edad. Kasabay nito, iginiit ni Cayetano na para sa kanya ang tamang edad sa pagtuturo nito ay kapag alam na ng isang bata ang tawag sa lahat ng parte ng katawan ng tao. Binigyang-diin pa ng senador na nakapaloob na rin sa Reproductive Health at Responsible Parenting Law ang age-appropriate reproductive health education. Nilinaw naman ni Cayetano na hindi siya kontra sa isinusulong na Senate Bill 1979 o ang proposed Adolescent Pregnancy Prevention…

Read More

OIL COMPANIES WALANG PATAWAD

“WALA talagang patawad ang mga kompanya ng langis.” Pahayag ito ni dating Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate dahil sa big time oil price hike na ipatutupad ng mga kumpanya ng langis ngayong araw, Martes at ikatlong Oil Price Hikes (OPH) mula nang pumasok ang taong 2025. Base sa Department of Energy (DOE), ang diesel ay tataas ng P2.60 hanggang P2.80 kada litro mula ngayong araw habang P1.60 hanggang P1.80 sa gasoline at P2.30 hanggang P2.50 sa gaas o kerosene. “Unang buwan pa lang ng taon, puro taas singil na…

Read More

SB 1979 ‘di garantisado kontra teenage pregnancy HANDS OFF OUR CHILDREN – FORMER ES RODRIGUEZ

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) MARIIN ang pagtutol ni dating executive secretary Atty. Vic Rodriguez sa Senate Bill No. 1979 o “An Act Providing for a National Policy in Preventing Adolescent Pregnancies, Institutionalizing Social Protection for Adolescent Parents, and Providing Funds Therefore”. Para kay Rodriguez, mas malaki ang posibilidad na makasama sa kabataan ang nasabing panukala kaysa maging solusyon sa lumalalang problema sa teenage pregnancy. “Like most laws that turned out to be harmful and damaging to the moral fiber in the long run, SB 1979 looks very much like a…

Read More

PBBM BUMUWELTA: DIGONG SINUNGALING

“HE’S lying!” Ito ang tugon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa ipinagkakalat ni dating pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte at supporters nito na di umano’y sinadya niya (Pangulong Marcos) na pirmahan ang national budget na may mga ‘blank section’. “He’s a former President. He knows that you cannot pass a GAA with a blank. He’s lying. And he’s lying because he knows perfectly well that that doesn’t ever happen,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isang ambush interview matapos dumalo sa paglulunsad ng TESLA Center Philippines sa Tesla Center, Uptown…

Read More