GOBYERNO, PANALO SA ‘WINNING SHOT’ NI LUMAGUI

BISTADOR ni RUDY SIM SIGURO kabisado na ng lahat ng basketball fans ang scenario na ito: fourth quarter, dikit ang score, at hindi pa sigurado kung sino ang mananalo. Humahabol ang paborito mong team, at unti-unting nauubos ang oras sa game clock. Ayun, pinasa sa star player ang bola: tamang galaw, magandang iwas sa depensa, sabay bitaw ng jumpshot bago tumunog ang final buzzer. Pasok. Swak na swak. Panalo ang team, at nagdiwang lahat ng fans. Tila ganito ang nangyari noong nakaraang linggo sa mga ahensya ng gobyerno at mga…

Read More

TATAY PINUGUTAN NG ANAK

DAVAO DEL NORTE – Pinaghahanap pa ng mga awtoridad ang ulo ng isang 60-anyos na lalaki matapos pugutin ng kanyang anak na pinaniniwalaang may sakit sa pag-iisip, hinihinalang binalak pang lutuin ang lamang-loob nito sa Brgy. Madaum, Tagum City sa lalawigan noong Linggo. Hinihinalang posibleng nasa impluwensiya rin ng ipinagbabawal na gamot ang suspek kaya nagawa ang karumal-dumal na krimen sa sariling ama. Ayon sa ulat, wala nang ulo, at halos tadtad na ang mga bahagi ng katawan ng biktimang si Loloy Barlis, nang datnan ng mga pulis sa bahay…

Read More

CONVENIENCE STORE SA TAGAYTAY, HINOLDAP

TAGAYTAY CITY – Pinaghahanap ng mga awtoridad ang isang solong motorcycle rider na nangholdap sa isang kilalang convenience store sa lungsod noong Linggo ng madaling araw. Ayon sa ulat, bandang alas-2:45 ng madaling araw noong Linggo nang pumasok ang suspek na nagpanggap na customer, sa convenience store sa Tagaytay-Amadeo Road, Brgy. Kaybagal Central, Tagaytay City. Nang matiyak ng suspek na walang customer, nagdeklara ito ng holdap at tinutukan ng baril ang cashier na si Jimma Martinez at tinangay ang P20,000 cash na kita ng tindahan, at isang Samsung Galaxy A5…

Read More

SCHOOL REGISTRAR SA LUCENA PUMALAG SA RAPE, SUGATAN

LUCENA CITY – Sugatan ang isang 31-anyos na ginang na isang school registrar, matapos manlaban sa isang lalaking nagtangkang gumahasa sa kanya sa kanyang bahay sa San Isidro Subdivision, Barangay Gulang-Gulang, sa lungsod noong Linggo ng tanghali. Ayon sa imbestigasyon ng Lucena City Police, natutulog ang biktima sa kanilang bahay dakong alas-12:00 ng tanghali nang magising ito at makita ang suspek na nakaupo sa tabi niya habang wala nang pang-ibabang kasuotan. Nang tangkain ng suspek na gahasain ang biktima agad tumayo ang babae dahilan upang magpambuno sila. Bumunot ng kutsilyo…

Read More

1 PATAY, 1 SUGATAN SA BANGGAAN NG MOTOR AT AMBULANSYA

QUEZON – Patay ang isang 34-anyos na computer technician habang sugatan ang kanyang backrider matapos na ang sinasakyang motorsiklo ay masalpok ng isang ambulansya sa Bypass Road, sa Barangay Tumbaga 1, sa bayan ng Sariaya sa lalawigan nitong Lunes ng madaling araw. Kinilala ang biktimang namatay na si alyas “Dempster”, residente ng Barangay Angustias, Tayabas City, habang kinilala ang backrider na si Maureen Mendez, 26, isang visual assistant freelancer, ng Barangay Sampaloc 2, Sariaya, Quezon. Ayon sa imbestigasyon, bandang alas-12:25 ng madaling araw, binabaybay ng motorsiklo ang lugar patungong Barangay…

Read More

Para mapaluwag mga kalsada 7AM-4PM WORKING HOURS SA GOV’T OFFICES ITINULAK

MASUSING pinag-aaralan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang rekomendasyon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na i-adjust ang working hours ng national government agencies sa National Capital Region (NCR) upang maibsan ang mabigat na trapiko. “Well, we’re studying it. If it works, we’ll do it. But we have to, it’s not enough to talk to the traffic enforcers and the administrators of traffic that have made the suggestion,” ayon sa Pangulo sa isang ambush interview matapos dumalo sa paglulunsad ng TESLA Center Philippines sa Tesla Center, Uptown Parade, Uptown Bonifacio,…

Read More

BERSAMIN NAPIPISIL NG 68% NG MGA TAGA-ABRA

TWO third ng mga botante ng Abra Province ang mas pipiliin na gawing gobernador si Eustaquio Bersamin, kapatid ni Executive Sec. Lucas Bersamin laban sa katunggali nitong si Bangued Vice Mayor Joaquin Bernos ngayong 2025 midterm election. Base sa Tangere Survey mula January 13 hanggang January 16, 2025 na may 800 respondents at face to face interview, 68% o pito sa bawat botante ng lalawigan ng Abra ay mas napipisil si Bersamin habang 25% ang puntos ni Bernos at 7% naman ang undecided. Naitala ang malakas na suporta kay Bersamin…

Read More

SEXUALITY EDUCATION IAKMA SA EDAD

NANINDIGAN si Senador Pia Cayetano na mahalaga ang sexuality education sa kabataan subalit dapat itong itugma sa edad. Kasabay nito, iginiit ni Cayetano na para sa kanya ang tamang edad sa pagtuturo nito ay kapag alam na ng isang bata ang tawag sa lahat ng parte ng katawan ng tao. Binigyang-diin pa ng senador na nakapaloob na rin sa Reproductive Health at Responsible Parenting Law ang age-appropriate reproductive health education. Nilinaw naman ni Cayetano na hindi siya kontra sa isinusulong na Senate Bill 1979 o ang proposed Adolescent Pregnancy Prevention…

Read More

OIL COMPANIES WALANG PATAWAD

“WALA talagang patawad ang mga kompanya ng langis.” Pahayag ito ni dating Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate dahil sa big time oil price hike na ipatutupad ng mga kumpanya ng langis ngayong araw, Martes at ikatlong Oil Price Hikes (OPH) mula nang pumasok ang taong 2025. Base sa Department of Energy (DOE), ang diesel ay tataas ng P2.60 hanggang P2.80 kada litro mula ngayong araw habang P1.60 hanggang P1.80 sa gasoline at P2.30 hanggang P2.50 sa gaas o kerosene. “Unang buwan pa lang ng taon, puro taas singil na…

Read More