IKAAPAT NA MANILA COFFEE FESTIVAL, DINAYO

Halos dalawang taon ding nakakulong sa bahay ang mga tao, kung kaya sa unti-unting pagbubukas ng ekonomiya ay senyales naman ito ng ating pagbangon at pagbalik sa normal na pamumuhay.

Muling pormal na binuksan sa publiko ang Manila Coffee Festival na ginanap sa makasaysayang Fort Santiago sa Intramuros sa Maynila. Nagsimula ito noong Abril 29 hanggang Mayo 1, 2022, mula alas-4:00 ng hapon hanggang ala-10:00 ng gabi.

Ang pagbubukas na ito ng taunang proyekto ay sinusportahan ng Department of Tourism sa pangunguna ni Secretary Berna Romulo-Puyat.

Mahigit sa 30 exhibitors ang lumahok at nagpamalas ng kanilang mga serbisyo at produkto. Pangunahin nilang inilabas sa publiko ang mga produkto mula sa kape. Gayundin, iba’t ibang pagkaing Pinoy ang nalasap ng mga dumayo sa lugar.

Sa kanyang paglilibot sa Fort Santiago, sinusuri ni Department of Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat ang isang produkto mula sa kape ng isa sa exhibitors na lumahok sa taunang Manila Coffee Festival. Nanguna ang kalihim sa pagsuporta sa okasyon upang maisulong pa ang ating lokal coffee producers at iba pang produkto at serbisyong Pinoy sa pagbabalik muli ng magandang turismo ng bansa.

 

Inabangan din ng publiko ang pagtatanghal ng iba’t ibang banda sa Kapetolyo Records. Mayroon din ditong munting sayawan, workshops, competitions, lectures at iba pang talakayan na may kinalaman pa rin sa kape.

Ito ang ikatlong kapistahan ng naturang okasyon. Ang ikalawa at huling Manila Coffee Festival ay noong Marso 13, 2020 bago magsimula ang pandemyang dala ng Covid-19.

Inaasahan na masusundan pa ang ikatlong edisyon ito ng Manila Coffee Festival. Doon, muli sana tayong magtagpo at magkape!

886

Related posts

Leave a Comment