NAGPADALA ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng dalawang humanitarian assistance and disaster response team sa Aurora at Negros Occidental na nasalanta ng Bagyong Tino at Super Typhoon Uwan.
Ayon kay MMDA Chairman Atty. Romando Artes, dalawang team na bumubuo ng tig-10 personnel mula sa Public Safety Division and Emergency Group (PSDEG), ang kanilang idineploy bitbit ang 20 water and purification units.
Layon nito na tumulong at mabigyan ng malinis na inuming tubig ang mga nabiktima o nasalanta ng mga nagdaang bagyo.
Sinabing kaya ng isang mobile purifying machine na malinis ang 180 galon ng tubig kada oras para magamit ng apektadong mga residente.
Sa loob ng 10 araw magtatagal ang ipinadalang personnel sa dalawang nabanggit na probinsya.
(CHAI JULIAN)
8
