Para sa mga biktima ng lindol U.S. GOVERNMENT NAGPADALA NG 137 LIBONG FOOD PACKS

NASA 137,000 food packs at limang daang emergency shelter kits ang ipinadala ng United States para sa mga biktima ng magnitude 7.4 na lindol na tumama sa Davao Oriental, ayon kay US Ambassador MaryKay Carlson.

Sa kanyang social media post sa X, inihayag ni Amb. Carlson na ang tulong ay bahagi ng “#EDCAinAction” sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement at isinasagawa kasama ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

“My heart goes out to all those affected by the Mindanao earthquake and recent natural disasters,” ayon sa US envoy.

Bukod sa Estados Unidos, nagpahayag din ng pakikiisa ang Japan, Australia, China, at European Union.

Ayon sa Japanese Embassy, magpapadala rin sila ng mga tent, kumot, plastic sheets, at portable water purifiers sa mga nasalantang Pilipino sa pamamagitan ng JICA.

(JESSE RUIZ)

104

Related posts

Leave a Comment