POEA UMAKSYON SA KASO NI OFW JASMIN. IBA PANG KASO IDINUDULOG

NAGSISIMULA nang iparamdam ng Philippine Overseas Employment Agency (POEA) ang matalas nitong pangil sa isyu ng pagkamatay ni OFW Jasmin Corro Remetria. Magugunita na humingi noon ng tulong sa ahensya si OFW Jasmine para siya ay masaklolohan.

Ngunit makalipas ang halos isang buwan ay nabalitaan na lamang ng pamilya na patay na ito matapos na mahulog diumano mula sa ikatlong palapag ng tahanan na kanyang pinagalilingkuran. Nailibing na si OFW Jasmine sa kanyang bayan sa Cagayan de Oro noong Agostos 23,2020.

Nitong nakaraang Biyernes ay nakatangap ako ng mensahe mula kay POEA Director Ria Corazon Lano ng Licensing and Regulation Office at kanyang ibinalita sa akin ang ginawang aksyon ng POEA laban sa employer at ahensya ni OFW Jasmine.

Ayon sa report na kanyang ­ibinahagi sa akin, noong ­Setyembre 4, 2020 ay inirekomenda ni Atty. Angelo Fulgencio ng POEA Anti-Illegal Recruitemnt Bureau at Legal Department (AIRB-LAD) ang pagsampa ng mga sumusunod na ­reklamo laban sa Skyhigh Manpower Recruitment Intl.

Una ay ng ipinataw ang recruitment violation na nakasaad sa Section 1431 sa Revised POEA Rules and Regulations Governing recruitment and employment of Landbase OFW of 2016.

Pinatawan din ng disciplinary action at Order of Preventive Suspension (OPS) ang ahensya nito sa Saudi Arabia na Alnajn Alsatee Recruitment Office at maging sina Thuda Omar Mohhamed Ahmed Taha at si Mohammad Abdulah Alsukami.

Maaring malayo pa ang tatahakin para tuluyan na mabigyan ng hustisiya ang pagkamatay ng kaawa-awang OFW na si Jasmine Corro Remetria ngunit ang ­mahalaga ay ang ipinapakitang pagkilos at pagmamalasakit ng ahensya ng gobyerno na inaasahan na magbibigay proteksyon para sa kapakanan at karapatan ng OFW na katulad ng POEA.

Marami pang kaso na katulad ng nangyari kay OFW Jasmine, at mas marami ang mga kaso ng pagmamaltrato na hanggang sa ngayon ay hindi pa nabibigyan ng aksyon ng mga ahensya dahil sa katwiran ng ilan na sarado pa ang kanilang ahensya dahil sa ­pandemya kung kaya wala silang mga kawani na maaring mag-asikaso sa pangangailangan ng mga OFW na kanilang dineploy sa ibang bansa.

Maging aral sana sa mga ahensya ang nagyari sa kaso ni OFW Jasmin na matapos na ­humingi ng tulong ay tila ipinagkibit balikat lamang ang kanyang sumbong.

Kabilang na rito ang sumbong ni OFW Riza Llanes na isang OFW na nasa Saudi Arabia na ­humihingi ng tulong sa kanyang ahensya na PJV Human Resources Services.

Ayon sa sumbong ni OFW Riza ay pinagmamalupitan sya ng kanyang amo na si Hamoud Al Dawood. Diumano ay sinampal at malimit na minumura at hindi ­binibigyan ng kanyang sweldo.

Maraming sugat na ang kanyang kamay sanhi ng “over worked.” Kinumpiska rin ang kanyang celfone para diumano ay hindi sya makapagsumbong.

Inaasahan ng AKOOFW ang mabilis na pag-aksyon ng POEA sa mga ganitong mga sumbong ng ­ating mga kabayani sa ibang bansa.

oOo

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa akin sa e-mail address saksi.ngayon@gmail.com o drchieumandap@yahoo.com o tumawag sa 09081287864.

292

Related posts

Leave a Comment