1 PATAY, 14 ARESTADO SA P.3-M SHABU

CAVITE – Tinatayang P.3 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam sa buy-bust operation na nagresulta sa pagkamatay ng isang drug suspect at pagkakaaresto sa 14 iba pa sa Bacoor City sa lalawigang ito.

Kinilala ang napatay na si Eduardo tagala, alyas “Wardo” habang ang mga arestado ay sina Luis Ballidio, Ralph Anthony Malig, Joshua Delos Reyes, Roger Clerigo Jr., Daniel Ugalde, Diana Rose Estrada, Eduardo Pinto, Alfel Estrada, Romeo Melando, Bryan Joseph Lintan, Emolfe Ecanza, Kristopher Ferrer, Glenn Guillermo y Sebastian at Milbert Daigan.

Sa ulat ni P/SMSgt. Christian Rosales ng Bacoor CPS, dakong alas-5:00 nitong Martes ng umaga nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga miyembro ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Bacoor CPS at PDEA 4A sa Brgy. Niog ng naturang lungsod na nagresulta sa pagkakadakip sa 14 kalalakihan habang napatay si Tagala nang manlaban umano sa mga awtoridad.

Nakuha sa mga suspek ang tinatayang 50 gramo ng shabu na tinatayang P340,000 ang street value. (SIGFRED ADSUARA)

67

Related posts

Leave a Comment