BATANGAS – Isa ang patay habang tatlo ang sugatan nang magkarambola ang dalawang motorsiklo at isang kotse sa provincial road sa Brgy. Lodlod, Lipa City sa lalawigan nitong Linggo ng madaling araw.
Kinilala ang namatay na si Grant Bruce Pelvin, 59-anyos, nagmamaneho ng isang Harley Davidson motorcycle.
Sugatan naman ang kanyang misis na backrider niya na si Angelica Ignacio Pelvin, 33; at ang dalawang sakay ng isa pang sangkot na motorsiklo na sina Joveno Atienza, 23-anyos, driver, at backrider na si Carlo Rotoni.
Ayon sa report, sumalpok muna ang Harley Davidson sa nasa unahan nitong kotseng Honda City na minamaneho ng isang SK chairman.
Nawalan ng kontrol ang motorsiklo at napunta sa kabilang lane at sinalpok ang kasalubong na Mio motorcycle ng dalawang biktima.
Bumangga pa ito sa poste ng kuryente kaya grabeng napinsala ang mag-asawa.
Isinugod ang apat na sugatan sa Lipa Medix Medical Center subalit idineklarang dead on arrival ang driver ng Harley Davidson. (NILOU DEL CARMEN)
69