11 KABAHAYAN WINASAK NG BUHAWI SA CEBU

CEBU – Umabot sa 11 kabahayan ang nawasak matapos na manalasa ang isang buhawi sa bayan ng Liloan sa lalawigan noong Lunes ng hapon.

Ayon sa PAGASA Visayas, naranasan sa malaking bahagi ng Cebu ang matinding thunderstorm kahapon na dulot ng easterlies at sa kalagitnaan ng thunderstorm ay biglang nanalasa ang buhawi sa bahagi ng town proper ng Liloan.

Sa kuhang video ng mga residente, makikitang nagsimula ang buhawi sa may baybaying dagat hanggang umakyat ito sa kalupaan at tumama sa mga kabahayan.

Kabilang sa grabeng naapektuhan ang Purok Greenhills at Purok Nangka sa Barangay Poblacion.

Inilikas ang mga naapektuhan sa evacuation centers at binigyan naman ng mga food pack ng LGU. (NILOU DEL CARMEN)

37

Related posts

Leave a Comment