115 PAGYANIG NAITALA SA TAAL

BULKANG TAAL-2

BATANGAS – Umabot sa bilang na 115 volcanic earthquakes ang naitala sa patuloy na pag-aalburoto ng bulkang Taal sa nakalipas lamang ng magdamag nitong araw ng Linggo.

Batay sa volcano bulletin ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Space Administration (PAGASA), kabilang sa naitala ang dalawang low-frequency events at limang harmonic tremors na tumagal nang isa hanggang apat na minuto.

Bukod sa mga pagyanig sa paligid ng bulkan, patuloy pa rin itong nagbubuga ng puting usok na may taas na 200 hanggang 300 metro.

Mayroon din umanong weak steaming mula sa fissure vents sa bahagi ng Daang Kastila trail na may taas na 10 hanggang 20 metro.

Ayon pa sa Phivolcs, naglalabas pa rin ang bulkan ng sulfur dioxide sa sukat na 116 tonnes kada araw kaya naman nananatili pa rin sa Alert Level 3 ang pag-aalburoto nito.

Inirekomenda pa rin ng Phivolcs ang pagbabawal na pumasok sa Taal Volcano Island gayundin sa mga lugar malapit sa Taal Lake at komunidad sa Kanlurang bahagi ng isla na sakop ng 7-kilometer radius mula sa main crater. (JG TUMBADO)

 

412

Related posts

Leave a Comment