2 ARESTADO SA PAGBEBENTA NG FAKE Q PASS

BULACAN – Kalaboso ang dalawa katao na nagbebenta ng pekeng quarantine pass makaraang madakip sa entrapment operation ng mga awtoridad sa Sitio Kabyawan, Barangay Mojon, Malolos City sa lalawigang ito, noong Linggo ng tanghali.

Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, ang mga arestadong sina Roberto Sacdalan Jr., 41, negosyante, ng Virgo St., Barangay Mojon, at Virgilio Escano, 40, contruction worker, ng Barangay Mojon, kapwa sa Malolos City.

Base sa report ni P/Lt. Col. Jacqueline Puapo, chief of police ng Malolos City Police, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa produksiyon ng quarantine pass ni Sacdalan at ibinebenta sa halagang P40 bawat isa.

Bunsod nito, agad nagkasa ang mga pulis ng entrapment operation na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawang suspek. (GINA BORLONGAN)

67

Related posts

Leave a Comment