2 ARTIST SKETCH SA BATOCABE SLAY INILABAS

sketch

NAGPALABAS na ang Bicol Region ng artist sketches ng dalawang suspect sa pagpaslang kay Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe. Ang kongresista, kasama ang police aide na si Orlando Diaz, ay binaril at napatay noong December 22 habang paalis sa gift giving event sa Daraga, Albay.

Ayon sa inisyal na report, mayroong anim katao na minamatyagan ang mga imbestigador sa harap ng P50 milyong reward sa sinumang makapagtuturo o makakapagbigay ng anumang impormasyon sa ikalulutas ng krimen.

Ang artist sketches ay ginawa ng National Bureau of Investigation sa harap ng special investigation task group na itinatag ng Philippine National Police.

Sinabi ng NBI na magpapalabas pa sila ng iba pang artist sketch ng ilan pang pinaghihinalaang sangkot sa pamamaslang.

5

Related posts

Leave a Comment