2 BIFF NALAGAS SA PHIL. ARMY

MAGUINDANAO – Patay ang dalawang kasapi ng teroristang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) matapos makasagupa ang mga tauhan ng Philippine Army 33rd Infantry Battalion sa checkpoint sa bahagi ng Barangay Tuka sa bayan ng Mamasapano sa lalawigang ito.

Ayon sa Joint Task Force Central (JTFC), agad namataan ng mga sundalo ang paparating na tatlong armadong kalalakihang sakay ng motorsiklo.

Bago pa makarating sa posisyon ng mga sundalo ay agad silang pinaputukan ng mga bandido kaya nagkaroon ng maikling sagupaan.

Nang humupa ang palitan ng putok ay dalawang bangkay ang natagpuan ng mga sundalo sa encounter site, kasama ang dalawang M16 rifles at isang sachet ng hinihinalaang shabu.

Kinilala ang dalawang napatay na BIFF fighters na sila Asraf Kalon alyas “Tomama” at Mubin Sugadol alyas “Laguiadin”. (JESSE KABEL)

62

Related posts

Leave a Comment