2 COVID VARIANTS NAKAPASOK SA LAGUNA

LAGUNA – Nakapasok na sa lalawigan ng Laguna ang UK at South African variant ng COVID-19, partikular sa San Pablo City.

Ayon kina City Health officer, Dr. James Lee Ho at San Pablo City Anti-COVID Task Force health officer, Dr. Mercydina Abdona Mendoza-Caponpon, nakarekober na ang mga nagkasakit habang naka isolate naman ang ilang naka-close contacts nito.

Naipadala ang mga sample ng mga pasyente sa Philippine Genome Center, UP Research Institute for Tropical Medicine noong Marso at Abril habang nitong nakaraang linggo lamang nakumpirma ang resulta ng dalawang variant.

Samantala, patuloy naman ang pagtanggap ng pagamutan ng lungsod ng Sta. Rosa ng naturang lalawigan, ng mga pasyenteng dinapuan ng coronavirus.

Tinawag ng The Medical City South Luzon na “Complex of Hope” ang kanilang pasilidad na mayroong halos 36 beds.

Halos 486 pasyente mula sa kalapit na mga lugar ng Laguna, kabilang na ang Cavite, Batangas, Quezon at Rizal, maging ang mga galing pa sa Metro Manila, ang mga ginamot ng TMC SL Complex of Hope.

Itinatag ang Complex of Hope ng naturang ospital sa pamamagitan ni Dr. Cesar Ramon Espiritu, ang presidente at CEO ng The Medical City noong Mayo 11, 2020. (CYRILL QUILO)

34

Related posts

Leave a Comment