2 KULONG SA PAGTATAPON NG DUMI NG TAO

DAVAO del Sur – Kalaboso ang driver at helper ng truck na pagmamay-ari ng isang plumbing services nitong lungsod, matapos mahuli akto habang itinatapon ang kargang dumi ng tao sa isang bakanteng lupa sa Brgy. Tagabuli, sa bayan ng Sta. Cruz sa lalawigang ito, noong Lunes.

Kinilala ni Major Crisaldo Gaila, hepe ng Sta. Cruz Municipal Police Station, ang mga suspek na sina Robert Alegria, driver, at Albert Alegria, helper, kapwa residente ng Barangay 76-A, nitong lungsod.

Sinabi ni Gaila, nakita mismo ng security guard na si Elizardo Bacon, ang truck habang ibinubuhos ang kargang mga dumi ng tao sa lupaing kanyang binabantayan.

Agad nagsagawa ng koordinasyon ang mga awtoridad sa Task Force Davao na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek.

Nasa kostudya ng pulisya ang mga suspek na sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9275 o Solid Waste Management Act. (DONDON DINOY)

95

Related posts

Leave a Comment