2 MAGSASAKA PINAGTATAGA, PATAY

DAVAO de Oro City – Dalawang magsasaka ang natagpuang patay sa bukiring bahagi ng Brgy. Mainit, sa bayan ng Maco sa lalawigang ito, noong Linggo.

Ayon sa ulat ng Maco Municipal Police Station, kinilala ang mga biktimang sina Eddie Andayo, 44, binata, at Boyet Poler Dagsangan, kapwa residente ng Purok Pagbabahayan, Barangay Mainit.

Ayon sa imbestigasyon ng mga awtoridad, isinalaysay ng isang Ramil Dagsangan na alas-dos ng hapon nang matagpuan ang bangkay ng kanyang kaanak na si Boyet na may mga taga sa katawan.

Agad humingi ng tulong si Ramil sa mga kabahayan na malapit sa lugar kung saan unang pinuntahan nito ang bahay ni Eddie Andayo.

Laking gulat ni Ramil nang bumungad sa kanya ang masangsang na amoy at nang sumilip sa loob ng bahay ay nakita ang duguang si Eddie na tadtad ng taga sa katawan.

Hindi pa matukoy ng mga awtoridad kung ano ang motibo sa krimen at kung sino ang nasa likod ng pamamaslang. (DONDON DINOY)

66

Related posts

Leave a Comment