2 NPA MEMBERS TODAS SA ENGKWENTRO SA BATANGAS

BATANGAS – Tatlong mga miyembro umano ng rebeldeng grupong New People’s Army ang napatay sa engkwentro sa militar sa sa Sitio Maligas, Barangay Acle, at Barangay Bolbok, sa bayan ng Tuy sa lalawigan noong Linggo ng umaga.

Ayon sa 59th IB ng Army, dalawang beses na nagsagupa ang mga tropa nila at ang mga rebelde dakong alas-6:30 ng umaga.

Unang nasabat ng nagpapatrolyang mga tauhan ng 59th Infantry (PROTECTOR) Battalion ang siyam na armadong miyembro ng teroristang NPA sa nagsangang ilog sa Sitio Maligas, Barangay Bolbok, Tuy, na nagresulta sa armadong komprontasyon.

Matapos ang unang bugso ng putukan sa Barangay Acle dakong alas 6:00 ng umaga, dalawang NPA, isang babae at isang lalaki, ang natagpuang walang buhay sa encounter site. Natagpuan din sa lugar ang tatlong baril na R4, UZI, at M16.

Nagpatuloy ang hot pursuit operation ng militar nang muling magpang-abot ang magkabilang panig dakong alas 8:40 ng umaga sa bulubunduking bahagi ng Brgy. Bolbok, Tuy, hanggang sa tuluyang umatras ang mga rebelde.

Sa clearing operation, isang bangkay ng lalaking rebelde ang natagpuan sa ikalawang encounter site.

Tinataya namang nasa 145 residente ang naapektuhan ng engkwentro sa mga barangay ng Taludtod at Dao sa bayan ng Tuy, na lumikas sa evacuation centers. (NILOU DEL CARMEN)

72

Related posts

Leave a Comment