2 NPA NALAGAS SA ENGKUWENTRO

npa

ZAMBOANGA del Sur – Napaslang ang dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) makaraang makasagupa ng mga tauhan ng Philippine Army sa lalawigang ito, ayon sa ulat ni Lt. Col. Arvin Encinas, tagapagsalita ng Western Mindanao Command nitong Martes.

Ayon kay Lt. Col. Encinas, nagsasagawa ng combat patrol operation ang mga tauhan ng Army 53rd Infantry Battalion nang masabat ang mga rebelde sa Sitio Pisyo, Barangay Balonai, Midsalip, Zamboanga del Sur bandang alas-11:05 ng umaga.

Tumagal ng halos kalahating oras ang bakbakan hanggang sa umatras ang mga rebelde.

“Pursuit and blockade are being conducted by our troops to track down the fleeing terrorists,” pahayag ni Col. Leonel Nicolas, 102nd Brigade commander.

Habang nagsasagawa ng clearing operation sa lugar na pinangyarihan ng sagupaan ay natagpuan ng mga sundalo ang dalawang bangkay ng mga rebeldeng iniwan ng kanilang mga kasamahan, bukod pa sa dalawang AK47 assault rifle at isang backpack. (JESSE KABEL)

110

Related posts

Leave a Comment