2 PATAY SA BLIND CURVE

PATAY ang dalawang lalaki sa salpukan ng isang pick-up truck at wing van truck sa bayan ng San Isidro sa Northern Samar, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Idineklarang dead on arrival sa pagamutan sina Lando Lance Dolino, 51-anyos at Jake Gatilla, 20-anyos, kapwa kasama sa walong sakay ng pick-up.

Dinala rin sa pagamutan para masuri ang iba pang mga pasahero ng nasabing pick-up truck.

Ayon sa paunang imbestigasyon na isinumite ng Northern Samar PNP sa Police Regional Office 8, nangyari ang insidente bandang alas-1:40 ng hapon sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Sitio Maludbalidlod, Barangay Palanit.

Lumitaw sa pagsisiyasat, galing sa Calbayog City at papuntang Allen, Northern Samar ang truck habang mula naman sa Northern Samar at papuntang Calbayog City ang pick-up nang magkabangaan ang mga ito pagsapit sa isang blind curve na bahagi ng national highway.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng dalawang sasakyan habang patuloy na iniimbestigahan ang insidente. (JESSE KABEL)

3

Related posts

Leave a Comment