2 TIRADOR NG MOTOR, NAPATAY SA LAGUNA

LAGUNA – Patay ang dalawang magnanakaw ng motorsiklo makaraang makipagbarilan sa mga pulis sa San Pablo City sa lalawigang ito noong Lunes ng gabi.

Kinilala ng San Pablo City police ang mga napatay na sina June Balaba Bernal, lider ng grupo, at John Lloyd Bernal, parehong residente ng Brgy. III-C ng nabanggit na lungsod.

Batay sa report ng pulisya, ang nanlaban sa mga pulis ang mga suspek sa drug buy-bust operation sa San Ignacio, San Pablo City, na nagresulta sa kanilang pagkamatay.

Nakuha sa mga suspek ang ilang sachet ng umano’y shabu, dalawang baril at ang sinasakyang nakaw na motorsiklo. (NILOU DEL CARMEN)

68

Related posts

Leave a Comment