24 NPA PATAY, 11 ARESTADO

DAVAO CITY- Aabot sa 77 miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nakontrol sa patuloy na operasyon ng mga miyembro ng Eastern Mindanao Command (EMC) sa loob lamang ng kalahating buwan nitong Mayo.

Sinabi ng tagapagsalita ng EastMinCom, na si Lieutenant Col. Ezra Balagtey, sa bilang na 77, 24 sa mga ito ang napatay, 11 ang arestado at 42 ang sumuko.

Nakuha sa mga rebelde ang 83 baril, 13 sa mga ito ay kusang isinuko at ilang mga kampo rin ang sinira ng militar sa kanilang area of responsibility.

Ayon kay Balagtey, maaga nitong buwan, napatay ng Joint Task Force Diamond ang sampung mga rebelde at narekober ang limang matataas na kalibre ng armas matapos ang engkwentro sa hangganan ng mga probinsya ng Misamis Oriental at Agusan del Norte noong Mayo 10, 2020.

Nangyari rin ang sagupaan ng 28th Infantry Battalion at NPA noong Mayo 13, sa Brgy. Maragatas, Lupon, Davao Oriental at Cabangahan, Cantilan sa Surigao del Sur kung saan narekober ang ilang piraso ng matataas na kalibre ng armas at nakubkob ng isang hideout sa Guibonon, Esperanza, Agusan Del Sur. (DONDON DINOY)

65

Related posts

Leave a Comment