3-ANYOS NA – HIT AND RUN SA HIGHWAY

QUEZON -Patay ang 3-anyos na paslit makaraang masagasaan ng SUV sa national highway sa bayan ng Tagkawayan sa lalawigang ito, noong Martes ng hapon.

Hindi umabot nang buhay sa ospital ang biktimang si Yolanda Hanapin Lazona nang mahagip ng Toyota RAV 4 na minamaneho ni Jericksm Jay Mendoza, 34, residente ng Sampaloc, Manila.

Batay sa report ng Tagkawayan police, patungong direksyon ng Bicol ang suspek at tinatahak ang kahabaan ng Quirino highway nang pagsapit sa barangay Rizal ay biglang tumawid ang bata.

Grabeng napinsala ang ulo at katawan ng biktima na nalagutan ng hininga bago maisugod Maria L Eleazar Memorial District Hospital sa nasabing bayan.

Naharang naman ng mga awtoridad sa bayan ng Sipocot, Camarines Sur ang tumakbong driver ng SUV.

Ibinalik na ito sa Tagkawayan police station at sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide. (NILOU DEL CARMEN)

72

Related posts

Leave a Comment