3 NALUNOD SA CALAMBA

LAGUNA – Tatlo katao ang nalunod sa dalawang magkahiwalay na insidente sa lalawigang ito.

Sa Calamba City, dalawang dalaga ang nalunod makaraang magkayayaang maligo sa ilog San Juan sa Brgy. Kay Anlog noong Mayo 19.

Pagkaraan ay nataguan sa karatig barangay ang bangkay ng biktimang si Nikka Ella Quemada, 18, residente ng Southville, Brgy. Kay Anlog Calamba City, dakong gabi.

Sa pangunguna ni LDRRMO Chief Jeffrey Rodriguez, katuwang ang Brgy. Quick Response Team (BQRT), Bureau of Fire (BFP), Red Cross, Coast Guard, nagsagawa ng search and retrieval operation para hanapin ang isa pang biktima na si Rubilyn Fuentevilla, 19, ngunit hindi nila natagpuan.

Pagkaraan ay natagpuan ng mangingisdang si Guillermo Ecuniquez, kasama ang team ng Public Order and Safety Office (POSO) na sina Wilson Tajan at Jhoniel Valencia, alas-6:00 ng umaga nitong Huwebes ang bangkay ng biktima na inanod sa Brgy. Sampiruhan.

Matatandaan, noong Sabado, Mayo 16, nalunod ang biktimang si Gerald Villa, 20, ng Purok 1, Brgy. Parian, Calamba, Laguna, makaraang malunod sa ilog habang naliligo kasama ng ilang kabataan habang nananalasa ang bagyong Ambo. (CYRILL QUILO)

129

Related posts

Leave a Comment