3 NPA PATAY SA BAKBAKAN SA QUEZON

patay

QUEZON – Tatlong hinihinalang miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army ang nalagas sa engkwentro sa pagitan ng mga tropa ng pamahalaan at mga kasapi ng rebeldeng grupo sa bayan ng General Nakar sa lalawigang ito, noong Martes.

Batay sa report ng General Nakar Police, nagsasagawa ng focus military operation ang isang platoon ng Army sa pamumuno ng isang  1Lt. Genosolanggo, nang makasagupa ng mga ito ang hindi pa matiyak na bilang ng mga rebelde sa Kimaloab, Sityo  Lagak, Barangay Pagsangahan, General Nakar dakong ala-1:00 ng hapon.

Tumagal ng ilang minuto ang labanan hanggang sa umatras ang mga rebelde.

Naiwan sa lugar ang tatlong hindi pa kilalang mga bangkay na pinaniniwalaang mga miyembro ng NPA. (NILOU DEL CARMEN)

Related posts

Leave a Comment