3 PATAY SA SUNOG SA ANTIPOLO

ANTIPOLO City – Tatlo ang namatay, kabilang ang dalawang bata, sa sumiklab na sunog sa Barangay Bagong Nayon.

Kinilala ng mga imbestigador ang namatay na sina Jenny Tabon, 38, at ang mga menor de edad na sina Cyrus Andrei Geronimo, 7, at Clark Jade Cambronero, 3.

Sinabi ng Bureau of Fire Protection-Antipolo, na lumalabas na naipit sa kanilang bahay ang mga biktima. Malaki na kasi ang sunog na nagsimula pasado alas-4 ng hapon ng Miyerkules.

Naapula ang naturang pagsiklab mga alas 5:30 ng hapon. Pasado alas-9 ng gabi nang makuha ang mga bangkay.

Sinabi pa ng BFP, na nasa 10-13 bahay ang natupok at nadamay ang isang maliit na pabrika.

Ang mga apektadong pamilya ay nakalikas naman sa barangay at sa kanilang mga kaanak.

Inaalam pa ang sanhi ng sunog at ang halaga ng pinsalang iniwan nito. KIKO CUETO

82

Related posts

Leave a Comment