3 SAF SUGATAN SA SUMALPOK NA TRUCK

BATANGAS – Sugatan ang tatlong miyembro ng Special Action Force (SAF) ng PNP nang sumalpok ang sinasakyan nilang 6×6 truck sa pader sa bayan ng Taal sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng madaling araw.

Kinilala ang mga biktimang sina Pat. Kevin Tipon, P/SSgt. Norton Mariano at PSSgt. Julius Caesar Guyao.

Batay sa report ng Taal Police, tinatahak ng truck ang highway sa Brgy. Halang dakong alas-2:50 ng madaling araw nang mapadako ito sa hindi pantay na kalsada naging dahilan ulang mawala sa kontrol at tuluyang sumalpok sa pader. (NILOU DEL CARMEN)

62

Related posts

Leave a Comment