(NI HARVEY PEREZ)
INILAGAY ng Department of Health-(DoH) Region 5 ang 33 barangay sa Bicol bilang dengue ‘hotspots’ sanhi ng tumataas na bilang ng kaso ng dengue sa rehiyon.
Base sa Epidemiology Surveillance Unit ng DOH-5, ang Camarines Sur, ang kinakitaan ng pinakamaraming dengue hot spots na may 13 lugar, kasunod ay Sorsogon, 10 ; Albay, 7; Masbate, 2; at Catanduanes, 1.
Ayon kay DoH-5 Regional Director Ernie Vera, 30 katao ang nasawi sa Bicol na karamihan ay bata na may edad 6-10 sa unang pitong buwan ng 2019.
Ito ay mas mataas umano ng 13 sa 17 nasawi sa kaparehas na panahon noong 2018.
Ayon kay Dr. Vera, ang kaso ng dengue sa buong rehiyon ay tumaas ng 84% mula Enero 1 hanggang Hulyo 13 na naging 2,660 mula sa 1,448 kaso.
“This is alarming since despite the concerted efforts with the local health partners, there is still a continuous rise of dengue cases across the Bicol region,” ayon kay Vera.
Sa pagdating ng monsoon rains, inaasahan ng DoH-5 ang pagtaas pa ng kaso ng dengue.
“Dengue is a viral disease with no known cure. The complications of dengue may lead to death, so let us all be proactive and seek early consultation when its symptoms arise,” dagdag pa ni Vera.
Muling hinikayat ni Vera, ang publiko na sanayin gawin ang 4S strategy na “search and destroy mosquito breeding places, self-protection measures, seek early consultation for fever lasting more than two days, and say yes to fogging” para mapuksa ang dengue.
Samantala, bumuo naman ang DOH-6 ng monitoring teams para i monitor ang dengue outbreak sa Region 6.
Naitala ang may 18,834 dengue cases sa Western Visayas mula Enero 1 hanggang Hulyo 13, 2019 kung saan 94 na ang nasawi.
Nabatid na sa Iloilo, ang pinakamaraming kaso na umabot sa 6,472; Negros Occidental , 3,639; Capiz, 3,139; Aklan, 2,460; Antique, 869; Iloilo City, 867; Guimaras, 706; at Bacolod City, 635.
256