3,314 BULAKENYO STUDENTS NABIGYAN NG SCHOLARSHIP

MALOLOS CITY – Aabot sa 3,314 estudyante mula sa lahat ng campus ng Bulacan Polytechnic College at iba pang pribadong kolehiyo at unibersidad ang tumanggap ng scholarship mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamumuno nina Gobernador Daniel Fernando at Bise Gobernador Wilhelmino Sy-Alvarado sa pamamagitan ng 10- pax every venue daily distribution sa iba’t ibang tanggapan.

Tatanggap ang mga estudyanteng nagtapos at kumukuha ng masteral ng halagang P5,000 per sem, P5,500 per sem para sa mga seminarista habang P3,500 naman ang tatanggapin ng mula sa private universities at colleges sa loob at labas ng lalawigan ng Bulacan.

Tatanggap naman ang mga estudyante mula sa walong campus ng BPC kabilang ang Malolos Main, Bocaue, Obando, Angat, Pandi, San Rafael, lungsod ng San Jose del Monte at San Miguel ng kanilang ‘Katibayan ng Pagiging Iskolar’.

Ayon kay Gob. Fernando, ang mga recipient scholar student ay inuumpisahan nang ipagkaloob sa pamamagitan ng daily distribution na aabot sa 300 estudyante kada araw at ito aniya ay 10-pax every venue ang pamamahagi upang masunod pa rin ang social distancing sa pamimigay.

Pinayuhan ng gobernador ang mga esudyante na tapusin ang kanilang pag-aaral at pahalagahan ang mga sakripisyo ng kanilang mga magulang maipadala lamang sila sa paaralan.

Kasabay nito ay namahagi rin si Pandi Mayor Enrico Roque ng tulong pang-edukasyon sa mahigit 2,000 estudyante sa high school at colleges rito na halagang P5,000 sa buong taon ng pag-aaral.

Ayon kay Roque, kailangang mapanatili ng mga estudyante ang mataas na grado upang hindi matanggal sa scholarship program ng pamahalaang lokal ng Pandi. (ELOISA SILVERIO)

167

Related posts

Leave a Comment