4 PATAY SA AKSIDENTE SA CAVITE

CAVITE – Hindi na naisalba ang buhay ng tatlong binatilyo at isang motorcycle rider habang kritikal ang dalawa pa makaraan ang sa aksidente sa kalsada sa magkahiwalay na lugar sa lalawigang ito.

Sa aksidente sa Dasmariñas City, kinilala ang mga namatay na sina Daniel Dunluan Jr., 22, ng Blk. 51, U-9 New Era Compd., Brgy. Sampaloc 5, Dasmariñas City; John Lester Nadorata, 21, ng #14
Malihan St., Brgy. Zone 4, Dasmariñas City, at Mark Daniel Cayabyab, 23, ng #7011 New Era Compd., Brgy. Sampaloc 5, Dasmariñas City.

Habang kritikal naman sina Jersonbob Cruz, 22, at John Tereckson Saylon, 22-anyos.

Sa ulat ni P/SSgt. Jesus Bae ng Dasmariñas City Police Station, dakong alas-9:30 noong Miyerkoles ng gabi nang mangyari ang insidente habang sakay ang mga biktima sa isang Toyota Corolla Sedan (TRA 276) na minamaneho ni Jersonbob at binabagtas ang direksiyon ng Imus City galing sa Palapala ngunit paglagpas ng Phoenix Gas station nang nawalan umano ng kontrol sa brake at sumalpok sa isang kongretong center island sa kalsada.

Pawang isinugod sa Pagamutan ng Dasmariñas City ang mga biktima ngunit hindi umabot nang buhay sina Nadorata at Cayabyab habang namatay habang nilalapatan ng lunas si Dunluan.

Samantala, sakay naman ng kanyang sasakyan si Rommel Malinao, 39, ng Unit 65, 4th Holy Family Condo, San Andres Bukid, Manila habang binabagtas ang Aguinaldo Highway sa Brgy. Tanzang Luma 2, Imus City, dakong alas-12:25 nitong Huwebes ng madaling araw.

Patungo sa north direction ang biktima ngunit pagsapit sa harapan ng 7-Eleven ay nahulog ito sa kanyang motorsiklong TVS saka tumama sa poste ng PLDT. Isinugod sa Our Lady of Pilar Hospital ang biktima ngunit namatay habang nilalapatan ng lunas. (SIGFRED ADSUARA)

212

Related posts

Leave a Comment